TENG FAMILY

900 25 10
                                    

Sa pagkakayap ni Jane kay Jeron at sa pagkakahilig nya sa dibdib ng binata hindi napansin ng dalaga na unti-unti na syang dinadapuan ng antok.

Sleepy? - tanong ni Jeron.

Umiling si Jane bahagya bilang sagot pero hindi na nya maimulat ang mga mata.

Medyo natawa si Jeron sa pagpupumilit ni Jane na labanan ang antok.

At ilang saglit pa naramdaman na ni Jeron ang banayad na paghinga ni Jane kaya sinilip nya ang mukha ng dalaga na halos nakasubsub na sa dibdib nya. Nang masigurado ni Jeron na mahimbing na ang tulog ni Jane maingat nyang inayos ang dalaga para mabuhat nya ito papuntang guestroom.

Medyo gumalaw si Jane ng maramdaman na buhat na sya ni Jeron.

Ssshhhh, sleep - bulong ni Jeron sa dalaga.

Marahil dahil sa pagod at puyat ng mga nagdaang araw madali uling nahimbing si Jane sa mga bisig ni Jeron.

Nang malapit na si Jeron sa pintuan ng guestroom nila, nakita sila ni Mommy Susan.

Mommy ihihiga ko lang po si Jane - paalam ni Jeron sa ina.

Tumango si Mommy Susan, at sya pa ang nagbukas ng pintuan ng kuwarto.

Nang maihiga na ni Jeron sa kama hindi ito agad umalis, saglit pa nyang tinitigan si Jane. Napansin yun ni Mommy Susan.

Just keep the door open, Jeron and please stay above the sheets - bilin nalang ng ina kay Jeron

Nanlaki ang mata ng binata dahil nakuha nya ang ibig sabihin ni Mommy Susan. His mother is giving him the permission to stay with Jane.

Umalis na si Mommy Susan bago pa man nakapagsalita si Jeron.

Tumabi ang binata kay Jane pero may malaki paring paggitan sa kanilang dalawa. Jeron just wants to lay with Jane but still respect her personal space.

Hindi naman nagtagal marahil dahil sa sariling pagod at hangover nakatulog narin si Jeron.

-----------------------------------------------------------------

Napadaan si Daddy Alvin sa tapat ng guestroom nakita nya agad si Jane at Jeron na magkayap habang himbing na natutulog

Mommy - tawag pasin ni Daddy Alvin kay Mommy Susan ng makita nya ang asawa na nagluluto sa kusina.

Oh bakit - sagot ni Mommy Susan na hindi manlang inaalis ang tingin sa niluluto para lingunin si Daddy Alvin.

Gusto mo naba magka-apo? - biglang tanong ni Daddy Alvin.

Halos mabitawan ni Mommy ang sandok na hawak sa tanong ni Daddy Alvin.

Ano ba yang pinagtatanong mo Alvin.

E bakit hinayaan mo si Jeron at Jane na matulog ng magkatabi - may himig na panunuksong sabi ni Daddy Alvin.

Ano naman masama bukas naman ang pinto, alangan naman makaisip pa yung mga yun gumawa ng milagro - pangangatwiran ni Mommy Susan.

Malay mo they can get creative - sabi ni Daddy Edwin habang nakangiti ng nakakaloko at tinaas taas pa ang mga kilay.

Alvin pwede ba yung pagiging malisyoso mo ha - sita ni Mommy Susan sa asawa.

Hindi direktang sinagot ni Daddy Alvin si Mommy Susan sabi lang nito.

Oo nga pala naka kumot na yung dalawa - casual na sabi ni Daddy Alvin.

Awtumatiko naman na napatingin si Mommy Susan sa direksyon ng guestroom dahil sa sinabi ng asawa.

EXCLUSIVE BUT NOT DATINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon