FIRST REAL DATE

649 24 18
                                    

Jeron never stopped seeking for Jane's forgiveness but this time around he was able to find the balance Daddy Alvin was asking from him.

Araw araw parin pinupuntahan ni Jeron si Jane pero iniiwasan na nyang tumambay kung nasaan man si Jane. Kapag sinabihan sya na umuwi na dahil ayaw pa syang kausapin ng dalaga sumusunod na sya agad, hindi na sya nangungulit pa at gumagawa ng eksena. Tama ang Daddy nya hindi sya ang biktima sa nangyari kaya wala syang karapatang magpaawa ang dapat nya gawin ay ang maging responsable at pangatawanan ang dinulot ng pagkakamali nya.

Day after day Jeron never got tired of hoping that Jane's nos will be a yes.

Until.

Maaga palang nasa tapat na ng bahay nila Jane si Jeron, eto yung araw na matagal na nilang inintay, Jane's twenty first birthday.

May inihandang espesyal si Jeron para sa dalaga pag pasok palang ng taon, he was so determined to make their supposed first real date memorable, hanggang sa nagkagulo sila, hanggang sa malamang sa hindi, hindi na matutuloy ang mga plano nya pero ganon pa man walang binago ang binata sa plano, kahit katiting na pag-asa na makakasama nya si Jane panghahawakan ni Jeron.

H-Hi - halos hindi makahinga si Jeron ng lumabas si Jane para humarap sa kanya. Ah...J-Jane h-happy birthday - nanginginig ang mga kamay na inabot ni Jeron ang dala nyang mga bulaklak sa dalaga.

Thank you - ngumiti pa ng bahagya si Jane kay Jeron at saka casual na kinuha ang mga bulaklak.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ng binata nararamdaman nya ito na yung araw na finally mabibigyan na sya ng chance na makabawi kay Jane. The day the nos became a yes.

Ah J-Jane...iimbitahansanakitalumabas - tuloy tuloy na sabi ni Jeron dahil sa sobrang nerbiyos na.

Okay sige bihis lang ako - casual na sagot naman ni Jane ni hindi na pinansin ang halos kanda utal na pananalita ni Jeron.

Sa puntong yun gusto na ni Jeron magtatalon sa tuwa, sa wakas.
-----------------------------------------------------------
Pagkasakay ni Jane sa sasakyan ni Jeron hindi malaman ng binata kung ano ang sasabihin kaya ilang minuto, habang nananakbo ang kanilang sasakyan, ang dumaan na wala silang imikan.

Hanggang sa.

J-Jane tungkol don sa....

Jeron please - mahinahon na putol ni Jane sa sasabihin ni Jeron sabay ngiti pa sa binata.

Wag ngayon pwede let us pretend na walang nangyari, I just want to enjoy this day.

O-Okay...sige wish granted, kahit ano hilingin mo gagawin ko - nakangiting sang-ayon naman ni Jeron, for him Jane's request makes sense pareho nilang inintay ang araw na iyon hindi naman siguro masama kung i-enjoy nila ng walang iniisip na iba.
-----------------------------------------------------------
For the rest of their travel para ngang walang nangyari, hindi sila naubusan ng pagkukuwentuhan na mga simpleng bagay, gaya lang noong dati. At kung tratuhin ni Jane si Jeron walang ilang na mababakas, gaya ng dati Jane let her instinct tell her how to respond to Jeron. He has always been like a rhythm to her, na effortless nyang nasasabayan, they move gracefully together, their body language in sync. At mapapansin iyon ng kahit na sinong makakakita sa kanila.

Sa pinuntahan nga nilang stopover para kumain ng pananghalian people look a second longer. Many are in awe to see two celebrities, some are wondering why they are together after the news that Jeron has Sandra now, and the others are simply captivated by Jane and Jeron's undeniable chemistry.

Both of them just casually smile to those people they will caught staring, sa tagal na nila sa kanikanilang larangan sanay na sila sa mga tingin ng tao, at isa pa importante sa kanila ang araw na ito kaya wala silang panahon para pansinin pa ang mga tao sa paligid nila, today is just about them no one else.

EXCLUSIVE BUT NOT DATINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon