Chapter One

135 6 18
                                    

"I believe you all have your advance readings on this subject," Ma'am Marina asked. "What is the first rule in debit and credit? Ang makakasagot ay exempted sa short quiz natin pagkatapos ng discussion natin."

Reign raise her hand but Joan, who is sitting next to her harshly pulled it down. Tiningnan niya ang kaibigan ng nagtataka pero nakasimangot lang ito na nakatingin sa kan'ya. "Give chance to others Reign!"

"Kaya mo namang mag-ace sa quiz!"

Nahihiya siyang nagbaba ng kamay saka tumingin na lang sa harapan kung nasaan nanonood si Ma'am Marina sa kanila. May mga ngiting nakaukit sa mga labi nito kaya hindi niya magawang hindi ito suklian ng ngiti rin. Nahihiya, ay hinayaan niya na lang ang mga kaklase na magtaas ng kamay, pero dumaan ang ilang segundo ay walang nag-abala.

"Okay, Joan, maybe you can give your thoughts?"

"Ma'am sabi ko lang magbigay siya ng chance sa others. Eh 'di naman ako others, best friend kaya ako nito!"

Nagtawanan ang lahat ng nasa classroom sa sinabi ng kaibigan kasama na roon ang kanilang prof na napapailing pa, marahil sanay na sa ugali ng dalagita.

"Oh! Talaga! Salamat ha!" buyo ni Gio, ang mahaderang baklang kaibigan nilang dalawa. Halos mapatakip na siya ng tenga dahil pinagigitnaan siya ng mga ito.

"Hindi ganyan!" Umiiling-iling pang ani Joan saka walang hiya-hiyang tumayo sa harapan. "Ganito dapat..." tumikhim pa ito ng ilang beses bago nagseryoso. "Salamat Joan! Dapat ganoon!"

Ginaya ng kaibigan yung tono ni Kuya Will doon sa palabas nito sa GMA habang nagpapasalamat sa shoppee.

Kan'ya-kaniya namang tango ang mga classmates nila at nakisabay sa kabaliwan nito. "Salamat Joan!"

Napuno ng tawanan ang buong room pero naglikot ang mata ni Reign at ginala sa buong paligid. Then, there she saw the mysterious guy on their section. Palagi itong nasa likod nakapwesto at natutulog na naman kaya hindi na naman ito napapansin ng buong klase. Wala namang problema si Ma'am rito bukod sa pagiging antukin, he has good grades din. Humahabol, sumasabit hanggang sa nagiging pasado.

Hindi niya namalayan na napatagal na ang pagtitig niya rito, not until, he slowly opens his eyes at sa kanya agad natuon ang malalalim ngunit bilugan nitong mga mata. Mas nakakalalim dito ang mahahaba nitong pilikmata at ang makakapal na mga kilay.

Napakurap-kurap si Reign at huli na para mag-iwas ng tingin nang bigla na lang itong ngumisi at kumindat sa kan'ya bago ito tuluyang umayos sa pagkakaupo. Ngayon ay nakasandal na ito, ay siya mismong pagtingin ng prof nila sa gawi ng kaklase.

"Mister DeGuzman, you have an idea?" Umisang tingin muna ito sa kan'ya bago napagpasyahang tumayo.

"Ang gwapo niya talaga, noh!" Hindi niya namalayan na tumango na lang siya kay Gio bilang pagsang-ayon.

He squeals making their classmates to look on their direction, asking.

"Eh kasi sabi ni Rei, pogi raw si Jace!" Nanlalaki ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang bumaling kay Gio na nakangisi sa kan'ya. Tumingin siya kay Joan na iiling-iling at may mapaglaro ring ngisi sa mga labi.

'Di kasi sila sanay na sumang-ayon siya sa pagpuri sa mga classmates o schoolmates nilang gwapo kaya big deal ang pagkawala niya sa sarili kanina at pagsang-ayon.

Halos ginusto niya nang lamunin ng lupa nang madinig niya ang tuksuhan ng nga classmates nila sa lalaki. Kaya pasimple niyang siniko si Gio na natatawa lang na pinandilatan siya.

Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob kung bakit niya sinalubong ang pwesto nito,then, there she saw him smiling without looking at her.

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon