Madilim na nang makarating sila sa Lemery, ang bayan nila sa Batangas. Pasado alas-nwebe na ng gabi nang tingnan ni Reign sa kanyang telepono.
"Daan muna tayo sa nga lola mo." Napatingin siya sa inang nag-aayos ng gamit sa maliit na bag nito.
"Gabi na, Ma, bukas na lang." Natigilan ang ina sa pag-aayos saka bumaling ang atensyon sa kanya.
Sa paraan pa lang ng paninitig nito ay kita niya na hindi ito mapipigilan kung kaya't sabay ang paghabol niya ng malalim na hininga at pagtango sa kagustuhan nito.
"Kila lola muna tayo," mahina man ay alam niyang dinig ito ng nobyo.
Tinuro niya kay Jace kung saan titigil, siguro naman ay hindi sila magtatagal dahil masyado ng gabi.
Nang nasa harapan na sila ng bahay ay saktong-sakto pa na bukas pa ang pinto ng bahay.
Ganoon pa rin ang itsura nito, de hila pa rin ang pinto na gawa sa yero at may kahoy na haligi. Lumang bahay ito kaya gayon ang ayos at estraktura.
Nang tumigil ang sasakyan nila ay isa-isa naman na sumilip ang mga tao sa bahay.
Kita ni Reign ang pag-aliwalas ng mukha ng lola, ngunit hindi man lang niya nagawang ngumiti. Tahimik lang siyang naglakad papasok sa bahay at humalik sa pisngi ng kanyang lola.
Halos pitong taon siyang nanatili sa Maynila at kailanman ay hindi pinaunlakan ang mga pang-iimbita ng mga ito.
Nagtatampo pa siya sa mga ito at hanggang ngayon ay may parte sa kanya na nasasaktan pa rin.
Ramdam niya ang mata ng kanyang tiyuhin at ang asawa nito na nasa tabi lang ng kanyang lola. Magka-akbay ang mga ito habang nakangiting pinapanood kami.
Hindi man lang niya ang mga ito tinapunan ng tingin. Para saan pa 'di ba? She survived all those years without their help. At kung siya ang masusunod, ni hindi na nga niya gusto ang umapak sa bahay na inaapakan niya ngayon.
"Apo, lika, maupo ka, " masayang paanyaya ng kanyang lola Flor.She has a dissmisive smile but when she looked at her mother, nay pagbabanta na sa tingin nito kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto ng matanda.
"Ang laki-laki mo na. Hindi ka man lang nakadalaw sa nagdaan na nga panahon, "tunog pagtatampo pa na saad nito.
Nagtagal ang tingin niya sa asawa ng kanyang tiyuhin na naglagay na ng juice sa parisukat na lamesa.
Iba na ang ayos ng bahay. Ang dalawang maliliit na lamesa ay nasa gitna ng dalawang pang-isahang upuan habang ang mahabang sofa ay naka harap sa flat na telebisyon, at naroon sa gitna ng mga upuan ang lamesang pinatungan ng pitsel ng juice.
"Kumusta na? Bakit ga hindi ka nagagawi rine sa atin?"
Her smiles fade and looked away. "Hindi ko na naman ho bahay 'to. Tsaka, may sarili na ho kaming bahay kaya hindi na namin kailangan."
"Reign, ano ba? Huwag mong ganyanin ang lola mo!" Mariin na agad ang pagkakahawak sa kanya ng ina.
"Bakit, Ma?" nakangising tanong niya. "Nagsasabi naman ako ng totoo,ah!"
"Reign," ang tito niya iyon.
Humarap siya rito at ngumisi. Iba na ang itsura nito sa natatandaan niya. Payat na ito at mukhang mahina na. Kaiba sa huling kita niya rito sa Maynila.
"Ngayon po ba? Bawal na rin ako magbigay ng opinyon?" natatawa niyang tanong.
"Ano bang sinasabi sa'yo ni Rose at ganyan ka na magsalita ngayon?" galit na singit ng asawa ng kanyang tiyuhin.
BINABASA MO ANG
Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED)
Teen FictionReign Ventura has her plan on her life. From the strand that she will get on Senior High school to the course that she will take during College. Her family planned everything for her. Para kasi sa kanila, kailangan maging handa na, maging planado l...