Chapter two

86 4 10
                                    

Abala ang mga mata niya sa screen ng phone niya, umiikot at iniintay na mag-announce ang school na planado niya nang papasukan sa college.

Dahil wala pang notification tungkol sa PUP ay saka na lang niya binaba at pinatay ang cellphone niya. Mabilis siyang tumayo sa kutson at dumiretso na pababa ng kanilang kwarto nang matapos niyang tiklupin ang kumot na kanyang gamit. Nakahiga pa ang kanyang kuya habang may takip sa mga mata. Lihim siyang naiingit dahil nga college na ito at bihira lang ang maagang schedule ng pasok.

She took a deep breath as she saw her mom preparing breakfast for her. Piniritong itlog lang naman at ang natirang kanin nung gabi na ininit na lang ng kanyang ina. Habang pinapanood ang kanyang ina nagluluto at nag-aasikaso ng pagkain niya ay roon pumasok sa isip niya kung bakit ginagawa niya ang lahat ng pagsusunog ng kilay. Her father's last wish is for her to graduate in time dahil alam nito na may edad na ang ina niya kapag gumaraduate siya. Uubos pa siya ng limang taon bago siya tuluyang maka-graduate kaya doble-doble ang nagiging pag-aaral niya para kahit paano, she will not disappoint her father. Ayaw na niyang madissapoint ito gayong wala na ang ama dahil buong buhay ng ama ay hindi naging enough ang pag-aaral niya para maging top one. She is always on the third rank o minsan pa ay nasa pang-apat o panglimang rank.

"Ma," simple man ang pagtawag niya sa ina ay mabilis siya nitong nilingon. May ngiti na agad na nakapaskil sa fresh nitong mukha dahil bagong ligo na ito at sabay na naman silang aalis ng bahay. Siya ay papasok sa school tapos ang ina ay sa palengke na malapit sa kanyang pinag-aaralan ang tungo.

Hindi mahirap ang buhay nilang mag-ina sa nagdaang panahon dahil sa tulong ng kanyang Mommy, ang kanyang lola. Dahil na rin doon ay naglalabas sila ng pera sa nga nangangailangan at tinuturuan naman siya ng kanyang lola para roon. Ayaw niyang mahirapan ang ina kaya inaako na niya ang simpleng gawain ng mga paglilista sa pagpapalabas ng pera. Ang tindahan naman nila sa palengke ay sa kanila na, sila na ang nagbabayad ng buwan-buwang upa roon dahil nabili na nila sa tita ng kanyang ina na may-ari noon. Simula ng namatay ang ama ay nag-aral pa siya ng isang taon sa kanilang probinsya bago nagpasyang umalis ng kanyang ina roon dahil nga sa gulong nangyari na kinasangkutan ng asawa ng kanyang Tito at ng ina.

Hindi na naging maganda ang samahan nila ng paborito niyang tiyuhin doon kaya nakapagtanim siya ng hindi magandang damdamin sa mga tao roon.

She felt betrayed and hurt, ang dating kasi sa kanya ay nawala lahat ng ala-ala na kasama sila. Nakalimutan... Ibinaon sa limot.

"'Nak, kumain ka na muna,  bago ka maligo. Para pagkatapos mo ay ang lolo mo naman,"ang lolong tinutukoy nito ay ang bagong asawa ng kanyang mommy. Wala na kasi ang biological dad ng kanyang ina kaya nakapag-asawa ng bago ang kanyang lola.

Humalik muna ang ina niya sa kanyang pisngi at siya naman ay yinakap niya ito ng mahigpit at hinalikan din ng may tunog. Kapwa sila natawa bago siya umupo at kumain. Mabilis ang naging pagkain niya dahil hindi na naman ganoon kainit ang kanin. Her mother knows that she doesn't want the rice na mainit kaya tinatapat na nito sa electric fan na maliit ang kanyang kanin bago pa lang siya magising.

"Ayusin mo ang pag-upo mo!" Pinilit nitong hinihila ang pencil-cut na suot niya, kaya siya na ang gumawa noon. "Ang pagtawid mo ah, ingatan mo." Inayos pa nito ang kanyang tali sa leeg habang nagpapaalala. She kissed her mother's cheeks bago ito bumaba sa sinakyan nilang jeep. Hinabol niya pa ito ng tingin saka nakangiti ng ginala ang mga mata sa loob ng jeep. Then, there she saw the mysterious classmate she has. Nakajacket ito na gray habang nakahawak ang isang kamay sa hawakan ng jeep. Nakasandal ang ulo nito sa sariling braso habang nakapikit.

Pasimple siyang umiling saka nag-iwas ng tingin. Bahala na ito kung lumampas man ito sa eskwelahan nila.

Inabala na lang niya ang sarili sa pag-iintay na makarating ang jeep sa eskwelahan.

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon