chapter twenty-five

17 2 0
                                    

Katulad ng sinabi ng kanyang ina ay kinabukasan ng tanghali ay dala-dala na nito ang kanyang pinapabili. Dahil na rin sa sobrang excited ay naghanap na siya ng mabababaran ng kanyang ititinda.

Dahil simula pa lang naman ay dalawang kilo muna ng manok ang kanyang pinamili. And she makes sure that she get the exact taste of the marinated chicken yesterday.

Habang ginagawa ang dapat gawin ay naroon lang ang kanyang ina at nanonood sa kanya. Imbis na magpahinga dahil mamaya ay paalis na naman ang mga ito ay pinili ng kanyang mama na panoorin siya.

"Masaya ka ba, 'nak? Gusto mo ba 'yang ginagawa mo?"

While massaging the chicken, she looked at her mom and smiled. "Oo naman, Ma. Masayang-masaya."

"Sabi nga pala ng kuya Tristan mo, magpadala ka raw ng sample product sa kaniya at babayaran nila para maipatikim sa mga tao sa kanila."

Her Kuya Tristan is always like that. Kahit na bihira lang silang magkasama ay palagi nitong tinatanong kung maayos ba siya o kung may problema.

Maybe, her kuya Tristan is still scared or traumatized to what happened on his bestfriend.

She felt so tired. Siguro, ganoon din yung pakiramdam ng ate Aryl kaya mas pinili nitong magsakrispisyo.

Aside from the personal pain on Aryl's heart, she needs to feel the anger and frustrations from her mother. Siguro kung siya ang nagkaganoon, she will give up easily.

Mahina siya, eh. Alam niyang bibigay siya agad, but luckily, she has her mom. She has that kind of source that no one can steal.

A phone beap from her phone woke her senses up. She wiped the marinate sauce that messed her hand and looked at her mother who is looking at her too.

Her mom smiled that made her beam more. "Tingnan ko lang po, Ma."

Her mother nod and when she read where the message came from, she felt scared.

Tita Jessa, Jace's mother's message caught my eyes. Sa kabila ng panginginig ng kamay ay nabuksan niya pa rin ang mensahe ng ginang.

From : Tita Jessa
Hi Rei! I just want to inform you to be on our house,this Saturday. Jace did it!  He became a dean's lister this sem and I know that he did that for you. I want you to come,okay?  Magtatampo ako kapag hindi ka pumunta.

Ang pigil na hininga ay tuluyan na niyang napakawalan nung nabasa ang mensahe. It's not something that she needs to take action.

Bumalik siya sa ina at saka nginitian ito. "Sino ang nagtext, anak?"

"Si Tita Jessa po, ma. Iniimbitahan ako sa kanila sa Sabado."

"Yung nanay ni Jace, tama ba?" She nodded her head to her Mama Rose's question. "Bakit daw?"

She felt happy, na nakita rin ng ina dahil sa pinipigilang nga ngiti na nais kumawala sa kan'yang labi. "May celebration lang po dahul dean's lister ulit si Jace."

Kuminang din ang mata nito nang marinig ang balita. "Naku! Nakakatuwa naman. Pakisabi kay Jace, congratulations, ah."

Pinagtuunan niya na muna ng pansin ang manok na ginagawa. Nang masiguro na nasa maayos na pwesto ang nga ito at lahat ay maibabad, ay tinakpan niya na ito saka pinasok sa mababang parte ng kanilang ref.

Kapag nasiguro niya na ang pagkapit ng lasa ay saka niya ito ilalagay sa freezer para hindi masira.

"Tao po!" she heard a knock on their door. Tiningnan niya ang ina at nagtataka rin ang mukha nito.

Naghahanda na ito ng damit pamalit dahil liligo lang ito at paalis na ulit papuntanv palengke.

"Buksan mo nga, Nak, maliligo lang si Mama."

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon