chapter four

40 4 14
                                    

Itinuon niya ang bigat niya sa isang paa habang nag-aantay ng kanyang turn sa pila. ABM club is not solely exclusive sa abm student na katulad niya, pwede rin na pumasok ang ibang strand na may business or accounting subject. Sabi ng prof adviser nila ay ito raw ang essence ng club nila. To help the other strand on their specialties.

"Rei!" Napatingin siya agad sa babaeng nakapig-tails na umakbay sa kanya. Sa natatandaan niya ay isa ito sa matagal ng miyembro ng theater club na hindi naman niya ka-close kaya naguguluhan siyang napatingin dito.

May malaking ngiti ang babae sa labi nang bumitaw sa pagkakaakbay sa kanya. "'Di ba ikaw ang nagsulat ng script nung nakaraang play?"

Nahihiya naman siyang tumango at hindi pa rin alam kung paano ito pakikutunguhan. Well, she is not a loner, may kaibigan naman siya pero hindi siya gaano ka-open sa mga taong di naman niya ka-close kaya naiilang siya ngayon. Hindi alam kung paano pakikiharapan ang masayang-masayang babae sa harapan niya.
"Gusto kasi ni Miss Guerrero na sumali ka sa club namin.  She found your script very lovely at naaangkop sa tema. She wants you to become the official script writer ng theater club."

Halos lumukso ang puso niya sa nadinig. Her heart is beating in joy, habang nadidinig ang masayang anunsyo galing sa babae.

Pero alam niyang hindi pwede, kung magpapaalam siya sa mama niya ay maaari niyang makuha ang suporta pero alam niyang hindi iyon buo. She knows that her mom would be dissapointed.
Ang hobby niya ay hindi dapat binibigyan ng oras lalo pa't maaari namang kumuha ng mas kapaki-pakinabang na gawain maliban doon. Well, she is right, maaari siyang mas matuto kung sa abm club siya sasali.

Nahihiya niyang tinuro ang pila na medyo may kahabaan pa. "Sasali na kasi ako sa ABM society," pagtukoy niya sa club nila.

Nawala ang masayang ngiting nakapaskil sa mukha ng babae, bigla siyang nahiya dahil pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan. "Ganoon ba? Pwede naman sumali sa madaming club."

She knows that pero ayaw niya talagang may hahati sa oras niya. Ang isang club nga ay malaki na ang time consuming, ano pa kaya kung dalawa.

"Maggie!" She glanced at Joan's voice. Maaliwalas ang mukha nito at may dala ng bondpaper, siguro ay nakapag-register na sa club na gusto nitong salihan.

Tumingin siya sa interactive club na sinalihan ng kaibigan at pansin niya na hindi na gaano katao roon. Kung kukunsusumahin ay nasa limang estudyante na lang ang nakapila roon. Binalingan naman niya ng tingin ang photography club, she saw Jace in front, may sinasabi ang babaeng may mahabang buhok dito, estudyante rin, pero nasa ibang track. She saw how reddish the girl's face is sa simpleng pakikipag-usap ni Jace rito.

Umiwas siya ng tingin, sakto ring dumating si Joan sa tabi ko. May namumuo ng panunukso sa mga mata niya habang pasalit-salit ang tingin sa akin at sa pwesto ng lalaki.

"Sus!" Tinulak niya ako gamit ang balakang. "Huli pero di kulong!"

She rolled her eyes, kinuha niya sa bulsa ang baon niyang kitkat saka inisang kagat iyon at nangalahati. She taste the sweet and comforting taste of the chocolate na nakapagpapikit sa kanya sa sarap.

"Aga-aga!  Chocolate na kinakain mo! Buti di nasisira ngipin mo no!" asar na saway sa kanya ng kaibigan.

She laughs at her remarks. Umisang-kagat pa siya bago bumaling dito. "Alagang close-up to!"

Her friend shrugged her shoulders, bumaling ito sa katabi at doon lang niya ulit naalala na hindi siya nag-iisa.

"Maggie? Why are you here? 'Di ba nasa theater club ka na?" usisa ni Joan.

Nahihiya namang tumango sa kanya ang babaeng nakapig-tails. Maggie is her name. "Yes, ano kasi, Miss Guerrero wants Rei to join our club to have our official script writer kaso loyal yata ang kaibigan mo sa ABM kaya hindi mahiwalay sa strand ninyo."

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon