chapter five

38 2 8
                                    

"Hey!" Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang sumulpot sa kung saan si Jace, bumaling ang mga mata niya sa hawak nitong dairy milk bar.

He extended his arm na may hawak ng chocolate pero nang tingnan niya lang ito ay ito na mismo ang nagpatong sa mesa ng inuupuan niya.

"Saan galing 'to?" curious na tanong niya.

Jace just shrugged habang kinukuha ang earpods sa bulsa nito at saka may kinalikot ng konti sa phone. "Nagpapackage si Papa, kaya ayan. Alam ko naman na mahilig ka sa chocolate kaya inagaw kita sa kanila."

She smile at his sudden thoughtfulness. Isa yon sa bagay na nagustuhan niya rito bilang isang kaibigan. Mabait at maalaga ito na minsan ay sumusobra pero natitiis naman niya. Isip niya ay ganoon lang ito sa mga kaibigan lalo na dahil babae kami.

"Thanks!" masayang saad niya.

"Oy ano yan?" Dinuro pa ng bagong dating na si Joan silang dalawa na parang may ginagawa silang iligal kaya natatawa na lang siya at napapailing.

Martes na martes pero ang bunganga ng kaibigan ay parang hindi mapahinga, hinahayaan na lang niya dahil masaya naman siyang makarinig ng mga rants dito kaya isinasawalang-bahala na lang niya. Besides wala pa naman si Maam Estomaguio, ang guro nila sa filipino sa piling larang. Parang katulad lang din ng 21st century literature ang subject na yon pero purely tagalog siya kaya nagugustuhan na rin niya.

"Wala yan, bigay ko lang, nagpapackage kasi si Papa sabi ko bibigay ko lang sa kaibigan."

Joan extended her hand, asking for her chocolates, nahihiya namang napakamot si Jace sa batok, apologetic na ang chocolate niya lang ang nahingi nito.

"Wushu!" buraot na asar ni Joan. "Yan tayo eh, sabi sa kaibigan! Eh ano ang tawag mo sa akin? Stranger with good memories ganon?"

Napakagat na lang siya ng labi sa naging reaksyon ni Joan. She has the capacity to throw tantrums kahit kaylan niya gusto pero ang lalaki yata sa tabi niya ay hindi pa rin sanay sa ganoong estado sa kaibigan niya.

Binuksan niya ang chocolate at binigay ang isang buong row kay Joan. "Hmm hati na lang tayo." Kita niya ang pag-alma sa mukha ni Jace pero pasimple niya itong pinanlakihan ng mata na mabuti naman ay agad nitong nakuha.

Kung tatanggi pa kasi ito ay mas lalo lang mag-aalburoto ang isa. Kaya maa mabuting hati na lang sila ni Joan.

Joan rolled her eyes and throw dagger stares at Jace bago nilipat sa kanya. "Huwag na! Alam ko namang para sa special someone niya binigay yan." She even crossed her arms around her chest.

"Sige na, ito na," pamimilit niya pa rito.

"Gaga!" sita nito sa kanya. "Kaya ka niya binigyan niyan ay magtatanong na yan kung paano manligaw!" Bumalik ulit ang mga mata nito sa lalaki. Joan grinned widely kaya napatingin din tuloy siya kay Jace na ngayon ay namumula na ang mukha at tenga. "Di ba?"

Nang napipi si Jace ay mabilis siyang umiwas ng tingin, pinagmasdan niya ang chocolate na hinati niya saka kumagat doon. She doesn't want to conclude but the silence is terrifying. Rinig na rinig niya ang bilis ng pagtibok ng dibdib niya habang kinakagatan ng maliliit ang tsokolateng hawak niya. Dinaig pa niya ang panonood ng silence movie na ang tibok lang ng dibdib niya ang naririnig.

"Kasi nga kaibigan niya ako, kaya gan'to," she sighed. She doesn't want any malicious relationship. Tutal naman ay walang malinaw na kagustuhan si Jace na pinapabatid kaya naisip niyang mas maganda kung siya na ang gagawa ng paraan para mabura ang ispekulasyon sa kanyang kaibigan.

Joan laughs at her remarks. "Eh ang tanong, kaibigan din naman ako, bakit ikaw lang?" that silence her. "Sabihin na natin na hahatian mo nga ako pero the fact na isa lang ang hiningi niya na para sa yo ibig sabihin ikaw lang ang iniisip niya nung mga panahon na yon..." she paused as her eyes landed again to him, "tama ako, hindi ba?"

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon