chapter seven

27 2 6
                                    

Tahimik ang buong hapag habang silang mag-ina ay kumakain. Wala mang nagsasalita ay hindi niya alam kung bakit may tensyon siyang nararamdaman. Bukas na gaganapin ang christmas party nila kaya gustong-gusto na niyang magkinabukasan.

She is biting his innercheek while holding  utensils on her hand. Hindi niya matukoy kung bakit tahimik ang ina.

"Anak," her mom called her out.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at saktong tumama ang mata niya sa kanyang ina. "Po?"

"Matatanggap mo ba kung mag-aasawa ulit si Mama?" She is dumbfounded. Parang napipipi siya at hindi mahanap ang dila para magsalita kaya nanatili ang mga mata niyang nakatutok sa ginang.

It's been three years since her father died and she can easily remember how her father wants her mom to remarry. His last words kept knocking on her head.

Nang hindi pa nakapagsalita ay kita niya ang pagguhit ng malungkot na ngiti sa mukha ng kanyang mama. "Okay lang anak, kung hindi mo gusto. Hindi na lang, 'nak."

Her heart clenched at what she had heard. She can see how her mom would go against all for her. Kahit mismong kasiyahan nito ay handa itong iwan para sa kanya.

Her hands travel towards her mom's. She upcurved her lips a bit. "Ma, okay lang po ako. Susuportahan po kita kung saan ka masaya."

Kitang-kita ang saya sa mukha ng kanyang ina na humaplos sa puso niya. Alam niya na sobra na itong nasaktan sa pagkawala ng kanyang ama. She witnessed how her mom nearly lose her mind when her father died.

"Salamat anak!"

She caressed the top of her mom's hand saka ito binitawan at nagsimula na silang kumain. Sge chuckled to ease the tension at mapanukso itong sinundot sa tagiliran. "Sino po ba yang boylet mo, Ma?"

Her mom smiled and blushed instantly. "Yung Kuya Rod mo." Her thoughts flood like a river. Kuya Rod is her Papa's relative. Second cousin, yung tatay ni Kuya Rod ang pinsang buo ng kanyang Papa.

Napansin yata ng ina ang pananahimik niya. "Okay lang ba anak?"

She beams at her again. "Ma, okay lang! Susuportahan kita kahit anong mangyari."

Nagpatuloy na sila sa pagkain kahit na may bumabagabag sa kanya. Gustuhin man niyang itanong kung paano ang sasabihin ng kanyang mga lola pero hindi na niya magawa. Her mom's happiness is her top priority. Masyado na itong nasaktan nung iniwan sila ng ama at tuluyan ng pumunta sa langit, gusto niya na maramdaman ulit ng mama niya ang pagmamahal na nawala rito dahil sa pagkamatay ng kabiyak.

"Hoy bakla!" Halos matumba siya sa gulat dahil sa pagkakatulak ni Joan sa kanya. Her friend raised a brow at her while clasping her own arms on each other. "Ano? Nakain na ba?"

Agad nag-init ang pisngi niya sa tanong ng babae. 'Di man sinabi nito ang totoong ibig sabihin ay alam na alam niya kung ano ang tumatakbo sa utak ng kaibigan.

"Ano ba yang sinasabi mo?" she asked, looking around, tinitignan kung may nakarinig sa mala-detective at walang paligoy-ligoy na tanong ng kaibigan.

Joan clicked her tongue. "Ako ay huwag mong lokohin, bakit ka tulala?"

She sighed, "may iniisip lang."

Nagulat siya nang hinila siya nito papasok sa classroom nila. Ang lahat ng kaklase niya ay nagkakatuwaan na. Nakita niya si Gio na nagfafacilitate ng iilang officer na magiging MC para sa program nila mamaya.

"Chika na bakla," saad nito matapos nilang maupo. Joan pointed her own ears saying that she have all the time by now.

"Si Mama kasi..." she paused. Naramdaman niya ang kung anong bigat sa dibdib kaya hinabol niya ang kanyang hininga.

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon