The following days seems to be a dream. Simula nang ma-cater nila ang order ng tita ni Jace ay kusang dumami ang mga customers na nag-inquire at umorder sa kanila. Kaya kinailangan na niyang humagilap ng supplier ng manok na maaaring makabili ng bultuhan para rin makabawas at makatipid.
She talked to her ate Mirna and asked about her Mommy's supplier but Ate Mirna just said that her lolo knows about the contact of it. Kaya gabing-gabi na ay hindi pa rin siya nakakatulog. Kahit inaantok ay hindi niya magawang matulog dahil kailangan na kailangan niya ang info tungkol doon sa supplier.
Her phone buzzed and she saw a message coming from Jace.
She kindly opened the message and her mood automatically lift up when she saw how pleasing on the eyes his message are. Capitalization and grammar check din kasi ang kuya ninyo kaya hindi masakit sa mata.
Jace:
Hi, Miss! Are you still awake? Can I can? This man is just busy missing his girlfriend.Napakagat na lang siya ng ibabang labi para maitago ang naghahamong ngisi sa kanyang labi na gustong lumabas.
To Jace:
I'm still awake. How's your day?Though, alam niyang kakasimula pa lang ng second sem ay mas mabuting alam niya ang nangyayari sa araw nito. She just want to know his day's update and such.
From: Jace
It went well. Walang masyadong ginawa, just a preview on last sem's lesson.Ah right! It's better that way para nga naman ma refresh sa utak ang lessons. Accounting class is hard when you don't have a skills in analyzing but it is a lot easier if the student have that kind of skill.
Hindi na niya inistorbo pa ang nobyo at saka nangalap na ng supplier sa internet.
Ilang sandali siyang nangalap at agad naman nagliwanag ang kanyang mukha nang makakita ng murang nagbibigay ng manok. Agad niyang tiningnan kung maayos ang serbisyo at agad nasiyahan ng makitang mataas ang rate sa shop na 'yon.
Ngunit naputol ang pag-contact niya sana sa supplier ng may registered number ang nag-pop sa cellphone niya.
Bumuntong-hininga siya at umirap sa hangin bago sagutin ang tawag. Lola Flor is in her mid-eighties. Kaya kinailangan niyang ayusin ang pagsagot dahil prone ito sa atake at ayaw naman niyanv masisi kung sakali man.
"Po?" magalang niyang pagsagot sa tawag.
"Kumusta?" palagi namang ganoon ang unang linya ng kanyang lola kaya nakakasawa na.
"Mabuti naman po, kayo?" malala na ba ang sakit ni Tito? Hindi na niya sinabi ang nasa dulo at tinikom na lang ang bibig.
Kung tutuusin ay ang Tito niyang maysakit ngayon ay ang pinaka-close niya sa lahat ng kapatid ng kanyang ama. Ngunit maging ang kanilang pinagsamahan ay nilamat na dahil sa asawa nito na galit sa kanyang ina.
"Mabuti naman." Nawala ng ilang sandali ang nasa kabilang linya. Siya naman ay pinipilit alisin ang pagkainip sa pagtuktok ng kanyang daliri sa lamesa. "Nasabi mo na sa mama mo?"
"Opo, baka raw po pumunta na lang kami kay Papa dadalaw sa a-singko, hindi rin naman daw po kami magtatagal at walang tatao sa tindahan."
"Bakit ayaw mo magpaiwan?"
"May inaasakaso ho ako, rito. Hindi rin ako pwede magtagal."
Tumunog ang kanyang cellphone hudyat na may nagtext. "Nay, sige na po. Ingat kayo riyan, may ginagawa ho kasi ako. "
Muling narinig ang anghel sa katahimikan sa kabilang linya. "Oh sige. Ba-bye. Ingat."
Tiningnan niya agad ang notification ng cellphone niya at may nagchat nga na supplier.
BINABASA MO ANG
Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED)
Teen FictionReign Ventura has her plan on her life. From the strand that she will get on Senior High school to the course that she will take during College. Her family planned everything for her. Para kasi sa kanila, kailangan maging handa na, maging planado l...