Her long black hair follows the wind that was blowing. Hinayaan niyang tangayin ng mga hangin ang kanyang buhok habang abala ang kanyang mga mata sa pagdouble-check ng ginawa niyang assignment.
Nakatuon ang kanang kamay niya na may hawak na ballpen sa lamesa sa kanyang harapan. Nakakunot ang kanyang noo habang pinapaikot sa kanyang mga kamay ang ballpen.
"Okay ka lang?" Nabaling ang tingin niya sa bagong dumating. Jace completely looks like a nice boy next door sporting their male school uniform. Nakabrush-up pa ang buhok nito at nakasakbit sa isang braso ang strap ng bag.
Since that day, nung binigyan siya nito ng chocolate flavored juice ay palagi na lang siyang nagugulat dahil palaging sumusulpot si Jace sa kung saan-saan, minsan pa ay naririnig niya ang mga pabirong tikhim at tukso sa kanila ng kaibigan nito pero hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin. Ang mahalaga naman sa kanya ay hindi ito gumagawa ng bagay na kinaiilang niya sa kabila ng kaalaman na pinagtapat sa kanya.
She looked upward to meet his gaze. She only smile and nod at him, bago napabuntong-hininga saka muling nag-focus sa ginagawa niya.
He then leaned towards her na parang pinagsiksikan nito ang sarili dahil miski siya ay napalayo sa sinusulat niya at ito na ang humalili sa ulo niyang binabasa ang kanyang sagot.
"Ah,yung assignment pala natin sa 21st century," simpleng saad nito. "Whoah! The wind blooms as my heart aches." Matalim niya itong tinignan kaya napakibit balikat na lang ang lalaki at umaktong sinizipper ang bibig.
"Magaling ka pala magsulat ng mga tula, dapat nag-HUMMS ka,you can be a writer too. Ikaw ang gumawa ng script natin nung sa stage play 'di ba?" Ang tinutukoy nito ay ang sinulat niyang script ng Noli Me Tangere last year. Nagcompete-compete ang lahat ng grade eleven strand at pipili ng sikat na sulatin nung unang panahon at luckily sila ang nag-uwi ng championship. And the script she made was used in School's foundation day by theater club.
"Just a hobby," sagot niya rito. Ang sarap nga sigurong lumipat sa HUMMS pero natututo na rin naman niyang mahalin ang kinuhang strand para kahit doon man lang ay makabawi siya sa ama.
"Pero iba talaga ang mga lumalabas sa utak mo," natatawang komento. "Masyadong malalim, malaman."
May naramdaman siyang konting kasiyahan sa dibdib na hindi pamilyar. Huli niya itong naramdaman ay nung nakuha ang script na ginawa niya bilang script ng play na yon last year. But she knew better, she erase the happiness she is feeling. Twenty-first century literature is just a minor subject, mas maganda pa rin kung mas pagtuunan niya ng pansin ang accounting at business finance na parehong hawak ng adviser nila.
"Sinasabi mo lang yan para makuha mo lahat ng awards kung sakaling lilipat ako," pagbibiro niya sa lalaki. Kahit naman na palaging tulog ito sa dulo ay bawing-bawi naman ang lalaki sa nakukuhang grade sa scheduled quiz or recitation kaya hindi rin ipagkakaila na mataas ang markang nakukuha, sa katunayan nga ay ito ang pumapangalawa sa kanya.
Napakamot ang lalaki at bahagyang napangiwi. "Ay, paano mo alam?" she laugh at his sentiments. Alam naman niya na ginagawa lang ng lalaki iyon para gumaan ang loob niya.
Ganoon lang sila na nagpapalitan ng kulitan habang nag-iintay ng bell para sa unang period nila.
As the time the bell rings, inayos na nila ang kanilang mga gamit saka magkasabay na pinuntahan ang kanilang room.
Wala pa namang tao at ang teacher kaya tahimik lang nilang nilagay ang kanilang mga gamit sa kani-kanilang upuan bago umupo.
Pero bago pa siya makaupo sa kaniyang upuan ay halos mapatalon na siya sa gulat ng mabungaran si Jace sa katabi niyang upuan. He shows his perfect set of teeth, habang nakatuon sa arm rest ang kanyang siko. "Alam mo ang ganda mo," biglang saad nito na nakapagpabilis ng kabog ng dibdib niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/264863215-288-k753028.jpg)
BINABASA MO ANG
Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED)
Teen FictionReign Ventura has her plan on her life. From the strand that she will get on Senior High school to the course that she will take during College. Her family planned everything for her. Para kasi sa kanila, kailangan maging handa na, maging planado l...