Foreword

117 8 13
                                    

I have an ear-to-ear smile as I place back the marker on my pen stand. Buong pagmamalaki pa rin akong nakatingin sa life schedule na nakadikit sa dingding ng kwarto ko.

Napatingin ako sa taong umakbay sa akin at nakita kong si Papa iyon habang ang mga mata nito ay nakatuon din sa tinitignan ko kanina.

"Ano Pa? Proud ka na naman sa prinsesa mo?" nagyayabang na ani ko.

He chuckled and shrugged his shoulders a bit. "Hindi pa, ang layo-layo mo pa sa finish line oh!" Turo niya sa araw kung saan magkakaroon ako ng trabaho.

I am always like this, planado na ang buhay ko simula siguro ng pinanganak ako, dahil nung lumaki at nagkaisip ay pinili na nilang isiksik sa akin ang dapat mangyari sa buhay ko.

Tumingin din ako sa finish line na sinasabi niya. 2030, dapat in a year 2030 ay may trabaho na ako. Magsisimula ng bumuo ng sarili kong bahay at nakapagpundar saka nakatulong na sa pamilya.

May nine years pa akong pupunan. Dalawang taon sa pag-aaral para sa Senior High pagkatapos ay limang taon sa college para mag-aral ng accounting. Tapos magrereview para makakuha ng test para maging certified public accountant at makapagtrabaho. Dapat in a year, magkaroon na ako ng ambag sa pamilya, bahay na pwede nilang tirhan at sa susunod na taon naman ay sarili ko ng bahay ang ipapagawa ko.

That's the plan. Iyon ang plano kong buhay o tamang sabihin na plano nilang buhay para sa akin. Pero hindi naman ako nagrereklamo o umaangal kasi gusto ko rin na makitang proud sila habang inaachieve ko ang buhay na gusto nila para sa akin.

I upcurved my lips on him. "Maabot ko yan, Papa. Soon. You will feel genuinely proud on me."  

                              ***
                 To be continued...

Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon