"Nagawa mo na ba ang scrapbook na pinapagawa ni Ma'am Guevarra?" Jace asked in the middle of nowhere.
She is busy writing down notes nang maalala ang sinasabi nito. Pasahan na ng nasabing project bukas pero wala pa siya sa kalahati. Muntik-muntikan na niyang hindi iyon magawa dahil balak niyang matulog pag-uwi niya sa bahay dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang mata at mukhang tutuloy sa trangkaso kapag hindi nakapagpahinga.
True to his words, hindi naging hadlang si Jace sa kanyang pag-aaral. Minsan pa nga ay parang nagiging alarm niya ito kung ano ang kailangan niyang gawin o tapusin para sa school na ikinakabilis ng pagtibok ng puso niya.
They have the same principles and want in life, gusto nito na makapagtapos ng pag-aaral para humalili sa mga magulang nito na magpaaral sa mga mas nakakabatang kapatid, siya naman ay sa kagustuhang tapusin ang track na nakuha dahil iyon ang huling kahilingan ng kanyang ama. Ayon din kasi rito na hindi na rin siya mahihirapan maghanap ng trabaho dahil kapag nakapagtapos siya sa kolehiyo ay maaari siyang kunin ng kanyang ninong na nagtatrabaho sa isang kilalang pawnshop.
She took the chance because that time, she doesn't know what to take. Gustuhin man niyang isatinig ang kagustuhang pag-aralan ang pagsusulat ay hindi na niya ginawa dahil alam niyang libangan lang din ang naibibigay noon sa kanya. Ayaw niyang isang araw ay ma-stress siya sa nakasanayan at sa mga gustong gawin dahil 'kailangan'.
Napatingin siya sa scrapbook na inilabas ng lalaki sa bag nito at napanganga na lang dahil sa ganda ng pagkakagawa.
Her eyes travelled on the name written on the first page. May nakaimprenta ring pangalan niya roon kaya kunot-noo siyang napabaling sa nakatingin na rin sa kanyang si Jace.
"Project mo yan, bakit kasali ako?" taka niyang tanong.
Jace shrugged his shoulder. Nakatuon ang isang kamay nito sa lamesa sa harapan niya habang nasa likod niya ang lalaki. Bale parang yakap siya nito mula likuran dahil nakaupo siya sa bench at ang lalaki naman ay nakatayo.
"Ang unfair naman nito, wala naman akong tulong tapos may gawa na ako."
He chuckled, kaya hindi sinasadyang mapabaling siya rito. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha dahil sa lapit nila sa isa't isa. "May naitulong ka kaya," he murmured.
She tried to concentrate, binalik niya ang atensyon sa scrapbook na paunti-unti nitong nililipat ng page. "Wala! Nakalimutan ko nga so paano ako nakatulong?" she sulked.
Oh my! It doesn't sound right, para siyang girlfriend na nagtatampo sa tono niya.
"Nakatulong ka na sa akin dahil inspirasyon kita."
Halos di na naman magkamayaw ang pagpapabilis nito ng takbo ng dibdib niya. She suddenly feel that its kinda alarming, dahil kilala niya ang kanyang sarili. Ayaw niya man aminin pero alam niya na sa dalawang linggong pangungulit nito sa kanya ay unti-unti na itong nakakapasok sa kanyang sistema. She will lie if she will deny all the flowery and nostalgic feeling she is experiencing because of him.
But she didn't want to complicate things kaya tumawa na lang siya biglang sagot sa simpleng banat nito. Inaral niya ang bawat bahagi ng scrapbook. Simple lang ang pagkakasulat dahil nga siguro lalaki ang gumawa kaya hindi marunong sa kung anong arte.
"Ako na lang maglelettering, para may maitulong naman ako." She begin to scatter all of her calligraphy pen at nagmamatch na ng pwedeng kulay na magagamit niya.
Pinatungan niya ng colored paper ang mga titles na nakasulat in normal way tsaka siya nagsulat doon. Hindi na niya napansin ang pagsabog ng buhok niya sa kanyang mukha dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa kanila. Maaga pa kasi kaya wala pang masyadong tao sa school at may oras pa para rito at kalimitan namang malamig ang hangin sa umaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/264863215-288-k753028.jpg)
BINABASA MO ANG
Mess Series #2: Wrecked Ambition (COMPLETED)
Teen FictionReign Ventura has her plan on her life. From the strand that she will get on Senior High school to the course that she will take during College. Her family planned everything for her. Para kasi sa kanila, kailangan maging handa na, maging planado l...