I.

5K 98 24
                                    

Wala na akong mapuntahan. Wala na akong mapagkublian.

Ni wala akong kakilala.

Wala akong makapitan o makuhaan ng lakas ng loob.

"You have to live, Markus Michael Patrick Feehily," I told myself.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Napakagulo. Halohalong basura at katawan ng mga patay na tao ang bumalandra sa sahig. May naliligo sa sariling dugo habang nakamulat ang mga mata. Marami rin ang nakahandusay na labas ang kalamnan.

Tinakpan ko ang aking ilong. Gaano man kahigpit ang pag-ipit ko noon ay nagpupumilit pumasok ang masangsang na amoy dulot ng dugong dumanak sa paligid.

Nagpalinga-linga ako. Ang fans na kanina lang ay nakikisabay sa pagkanta namin ay dinaraan-daanan lang ako dahil abala sila sa pagligtas ng kanilang mga sarili.

"Raaaaawr! Arrrck!"

Napapitlag ako nang may umungol ilang metro ang layo mula sa likod ko.

Agad akong nagtago sa pulang kurtina na hindi kalayuan sa akin. Napahinga ako nang maluwag nang walang aberya kong nagawa iyon.

"Ahhhhhhhh! Tul-"

Ibinuka ko nang kaunti ang kurtinang tumatakip sa akin. Tinutop ko ang bibig ko gamit ang sariling palad nang masaksihan ko ang lalaking kinakain ng zombie.

Tama. Zombie. Akala ko ay sa pelikula lang mayroon nito. Hindi ko akalaing makakakita pala ako nito sa totoong buhay.

Napakadali lang mapuna kung sino ang mga infected. Itim na itim ang bola ng mga mata nito habang ang gilid ng leeg ay nililitawan ng kulay berde at asul na mga ugat.

Agresibo ang kilos ng zombies. Mukhang malalakas ang pang-amoy nila dahil kung saan may normal na tao ay doon sila nagkukumpulan.

It just happened all of a sudden. As in lahat kami sa Araneta, walang kaide-ideya na mangyayari ang delubyong ito.

Ngayon pa. Kung kailan naman nagsisimula pa lang kami sa panibagong yugto ng banda namin.

Bumalik ang daloy ng isip ko sa nakaraan.

Isang buwan ang nakalipas, nakatanggap kami ng magandang balita. Balita na pinapayagan na ang banda namin na mag-perform sa United States of America.

Sa sobrang excitement ay napagkaisahan naming mag-world tour. Bago mag-America ay napag-usapan naming unahin ang Southeast Asia kung saan nandito ang malaking porsiyento ng aming fans.

Nakapag-perform na kami sa Thailand, Taiwan, China, South Korea, Indonesia, Singapore, at Malaysia. Huling destinasyon sana namin itong Pilipinas at ngayon na dapat ang huling araw ng tour.

Hindi ko akalain na ito na rin pala ang huling concert namin dahil...

"Ahhhhhhh! T-Tulong!"

Naalarma ako sa pagtili ng isang babae. Para bang papalapit ito sa direksiyon ko.

Lumabas ako sa pagtatago sa likod ng kurtina. Nagpalinga-linga ako para tingnan kung may puwede ba akong gamitin na panlaban.

Ayun! May isang metal rod.

Kung sinusuwerte ka nga naman.

Wala na akong sinayang na sandali. Kinuha ko na 'yun.

"Tabi, miss!"

Itinusok ko ang metal na bagay sa lalaking infected na may katabaan ang katawan. Ito ang lalaking humahabol sa babae.

Dumiretso sa lalamunan ang metal rod. Sumagitsit pa roon ang maraming dugo na matingkad ang pagkakapula.

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon