IX.

772 42 5
                                    

Sumalubong ang mabangong luto mula sa kusina nang lumabas ako sa banyo.

"Kumain na muna tayo. Hindi natin alam kung kailan ulit tayo makakakain ng lutong pagkain," anyaya ni Shirley sa akin.

Lumapit ako sa lamesa. May nakahaing scrambled egg, hotdog, at corned beef. Ipinagtimpla rin ako ni Shirley ng black coffee.

"Sorry, naubusan kami ng creamer, eh. Panlamang tiyan din iyan," ani ng dalaga nang napansin niyang nakatitig ako sa kape.

Tipid ko siyang nginitian. "Okay na ito. Salamat, ah."

Umupo na rin siya para makisalo sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami. Nagdala na rin kami ng iba pang gamit na puwedeng makatulong sa amin sa aming paglalakbay.

"Let's be careful, Shirley. Hindi natin alam kung nasaan ang zombies. Baka nandiyan lang sila sa tabi-tabi, nag-aabang ng mabibiktima," sabi ko sa kaniya nang hindi nakatingin. Abala ang mga mata ko sa pagmamasid sa paligid.

"Kinakabahan ako, parang marami sila."

Maski ako e gano’n din. Iba ang kilabot na idinudulot ng katahimikan ng paligid.

"Mauuna ako. Sa likod lang kita," I commanded.

Buong ingat kong binuksan ang main door nila. Hangga't maaari ay hindi rin namin pinaiingay ang aming paglalakad.

Nakakalimang hakbang palang kami nang may marinig akong mga pag-ungol. Palakas nang palakas iyon, tila ba daraan sa kalsadang nasa harap ng bahay.

I looked back, signaling Shirley to go back inside. Agad niyang nakuha iyon kaya nagmadali siyang pumasok.

Kasasara lang namin ng pinto ay saktong dumaan ang pinagmumulan ng pag-iingay. Sinilip namin iyon ni Shirley.

Napalabi ako nang makitang tila ba may parada ng zombies sa labas. They were making noises... tila ba gutom sila.

Sunod-sunod ang paghingal namin ni Shirley nang mapasandal kami sa may ibaba lang ng bintana. Tanging tinginan lang ang nagsisilbing komunikasyon namin. Kapwa namin iniiwasang makalikha ng ingay.

We waited for several minutes. Nang sa tingin namin ay wala nang zombies ay wala na kaming pinalipas na oras. Lumabas na kami agad.

We are just few steps away from the car when we were frozen on the ground.

Hindi pa pala masyadong nakalalayo ang zombies. Ang ingay ng pagtakbo namin ay nagpatigil sa kanila sa paglalakad palayo.

A deafening shout from what seems like the leader of the zombies alarmed us. The huge wave of them is heading towards our direction!

"Shit!" Marahas kong hinila si Shirley. Halos kaladkarin ko na siya papuntang kotse. I'll just apologize to her later.

Halos matanggal ang puso ko sa pagkakakabit nang tuluyan kaming makapasok. Palipat-lipat ang tingin ko sa keyhole at sa mga rumaragasang zombies palapit sa amin.

I did my best to stop my hands from shaking. Sa wakas ay naisuot ko na iyon sa susian. In just one attempt ay gumana ang makina.

The tires of the car screeched when I pressed the maximum speed it could ever make.

Shirley and I released the sigh of relief when we are already far from the herd of the hungry zombies.

•••

Ngayon nga ay binabaybay na namin ang daan patungo sa papunta sa Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga. Dalawang oras at dalawampung minuto ang ginugol namin para makapunta roon.

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon