III.

1.2K 59 6
                                        

"H-Hindi. Ililigtas kita, Nicky. Dadalhin kita sa ospi—"

"Nahihibang ka na ba, Mark? Kita mo ang nang- ugh- yari sa... mga kaibigan natin? M-Mabilis na kumakalat ang virus!" Unti-unti nang nangingitim ang mga mata ni Nicky pero pilit pa niyang nilalabanan iyon.

"I'm sorry, bro. I-I can't."

Umiling-iling si Nicky. "P-Please go. Do your best to save yourself. Please survive."

Ramdam ko ang pag-init ng aking mga mata. Unti-unting bumabalong ang luha mula roon.

"I-I will."

"Go," napapaos niyang tugon.

Agad akong tumayo para pumunta sa backstage. Bago pa ako makarating doon ay lumingong muli ako sa huling pagkakataon. Nakita ko ang unti-unting transition ni Nicky sa pagiging zombie. Lumalabas na ang berde at asul na litid sa kaniyang leeg.

He looked at my direction one more time.

"G-Go...."

I swallowed a lump in my throat while trying to control the wetness in my eyes.

Gumapang si Nicky papunta sa kahoy na hawak niya kanina. Hirap na hirap man ay naabot niya iyon. Hinugot niya ang lahat ng natitirang lakas at isinaksak niya ang matalim na parte noon sa kaniyang dibdib sa bahagi ng kaniyang puso.

Sa huling pag-igik ng aking kaibigan ay hindi ko na napigilan ang luhang pinipigil ko kanina pa.

"Nicky!"

Nagwakas na ang pagbabalik-tanaw ko. Hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko kaya pinahid ko ang mga 'yun gamit ang likod ng aking palad.

"Okay ka lang, Mar— I mean alam kong hindi ka okay. Umiiyak ka, eh. May gusto ka bang i-share?" ani ng babaeng kasama ko.

Sandali kong itinigil ang kotse para bumiwelo. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela. "H-Hindi pa ako handa."

Tumango-tango siya. "Naiintindihan ko."

Mayamaya ay inangat ko rin ang tingin ko. Tumingin ako sa paligid. Napakadilim. Wala man lang poste ng ilaw ang nakabukas. Puro punongkahoy ang nasa tabi ng daan. Walang kabahayan. Wala mang zombies pero ramdam ko ang panganib sa paligid.

Wala naman sigurong masama kung titigil lang kami sandali. Magpapakalma lang naman ako.

Nilingon ko ang babae. "Magpatugtog ka naman."

"Sure. Why not?!" Sabik na hinalungkat ng babae ang bag na dala-dala. Sa dami ng nangyari kanina, kakatwang hindi niya pa rin naiwan 'yun.

Tinitingnan ko lang siya habang nag-i-scroll down sa cellphone niya.

"Ano bang kanta ang gusto mong patugtugin ko, Mark?"

Isinandal ko ang likod ko sa upuan. Minasahe ko ang tulay ng aking ilong. "Anything as long as it's not our song."

"Ha? Bakit?" inosenteng tanong ng babae sa akin.

Eh, kasi naaalala ko ang lads.

Gusto ko sanang sabihin 'yan pero natatakot akong tuluyan nang magiba ang natitira kong lakas.

"Kinakanta na namin 'yan, eh. Iba naman."

Umismid ang dalaga at ipinagpatuloy lang ang pag-scroll down sa playlist niya. Mayamaya ay nagliwanag ang kaniyang mukha.

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon