The island of Luzon in the Philippines is now zombie-free, Malacañang Palace confirmed earlier this morning.
It's been eight months after the first outbreak happened somewhere in Tanauan, Batangas. A woman aged thirty-three was reported to be the first infected after her surviving families confirmed that she ate a contaminated goat meat. The Department of Agriculture confirmed that there was a pandemic that time that only affects these animals.
The woman immediately showed symptoms ten minutes after eating the meat then started to bite her family and that is when the pandemic starts.
9,440,116 people from Luzon were dead during the entire outbreak, and already recorded as one of the worst plagues in the human history in which it ranked 8th next to Antonine plague with 10 million death tolls.
Celebrities were also not spared. Amongst those killed during the outbreak are the Westlife members, Kian Egan, Shane Filan, and Nicky Byrne. Their concert here was done on the day that the outbreak started.
The agony finally ended when the scientists from the UPLB Research Center developed an antidote which they got from an infected person. They tested it with another infected person and the vaccine showed positive results in just three hours.
Massive production has been done immediately and a lot of infected were treated on the dot.
Pinatay ko na ang TV matapos kong pakinggan ang balita. Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa nang malamang sa wakas ay tapos na ang outbreak na hindi lang kumitil ng buhay ng mga kaibigan ko kundi ng buhay din ng fans na sumuporta sa amin.
Tumayo ako mula sa couch at pumunta sa balcony. Nandito ako ngayon sa second floor ng bahay namin sa Sligo habang nakatanaw sa magandang tanawin na nasa labas. Pinapagmalas ko ang aking mga mata sa mangilan-ngilang sasakyan na dumaraan. Sa kapitbahay naming naggugupit ng tumutubong damo sa garden, sa mga batang nagtatakbuhan sa may puno. Kina Mr. and Mrs. Flynn na nasa bench ng tapat ng bahay nila at sa iba pa.
Ganito ang buhay ko sa araw-araw mula noong makauwi ako sa Sligo tatlong buwan na ang nakaraan. I haven't accepted any projects yet 'cause I'm still recovering. Gusto kong huminga. Gusto kong maging okay na okay ako bago magpatuloy sa buhay.
Three months ago, I passed out while I'm in the water. Mabuti na nga lang napansin agad ako nina Nick at Lolo Anselmo kaya hindi ako nalunod. Good thing, after that happened e may dumating na military ships na naghahanap ng survivors kaya naisakay nila kaming mga nagpalutang-lutang.
Doon nila napansin na nilalagnat pala ako kaya they did what is necessary para bumaba ang temperatura ko. Naging okay rin naman ako at nagising matapos ang sampung oras.
Naglayag 'yung barko papuntang Taiwan at masasabi kong hindi iyon ganoon kadali. Araw at linggo ang lumipas na sinasagupa namin ang galit na hampas ng tubig. Hindi na rin namin nabilang ang araw kung ilang araw kaming hindi nakakita ng anumang lupa dahil puro tubig ang nasa paligid namin. Nauubusan na rin kami ng pagkain at tubig. Sabi kasi ng militar na kasama namin, 'yung military ship na may kargang pagkain ay nakapagkarga pala ng infected person and the rest is history.
Mabuti na lang at umulan kaya nakakuha kami ng inuming-tubig at marurunong mangisda ang mga kasama ko kaya naka-survive kami sa mga susunod na araw.
Sa wakas ay narating din namin ang Taiwan. Nagkaproblema pa kasi ayaw kaming papasukin dahil sa paghihigpit kaya na-stranded kami sa dagat sa loob ng tatlong araw. Nang masiguro nilang walang nagpapakita ng anumang kakaiba sa amin ay saka lang kami pinapasok. Ilang beses din kaming t-in-est. Thank God, we're all spared from the infection.
Wala na akong pinalampas na sandali dahil lumipad din ako papuntang Ireland. Sabik na akong makita ang pamilya ko... at ang babaeng pinakamamahal ko – si Shirley.
Idinadalangin ko sa taas na sana naging ligtas ang pagpunta nila rito lalo pa at faluwa boat lang ang sinakyan nila. Alam kong limitado rin ang pagkaing dala nila.
Nang makarating ako sa Sligo ay sinalubong ako nina Mom and Dad pati na rin nina Colin at Barry. They hugged me tight and at that instance, saka ko mas na-appreciate 'yung family ko. Na hindi ko na mararamdaman itong yakap na ito kung hindi ako nakaligtas sa outbreak.
Sa kabilang banda, nakaramdam din ako ng lungkot para sa pamilya nina Shane, Kian, at Nicky dahil hindi na nila masisilayan pa kahit ang bangkay ng mga kaibigan ko.
Lumikot ang mga mata ko at dumako 'yun sa green na bahay na may dalawang palapag sa tabi ng bahay namin.
"Mom, may tao ba kina Mr. Albert?"
My teary-eyed mom wiped her face. She shook her head. "Wala na, anak. Sabi niya imi-meet daw niya 'yung anak niya sa London. They will stay there... for good."Nilamon ng kalungkutan ang puso ko. Sabik na akong makita si Shirley pati na ang mayakap siya at muling sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal ngunit tadhana ang naghahadlang sa amin para mangyari 'yun.
"Did he tell where they'll stay in London?" I asked.
I got a no for an answer.
Kung nasaan ka man, Shirley, hahanapin kita.
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
FanfictionWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...