Pinagmamasdan ko si Shirley habang may kausap siya sa landline phone. Hindi ko marinig ang sinasabi niya. I'm few steps away so that I could give her privacy.
Habang hinihintay ko siyang matapos ay iginala ko muna ang tingin ko sa tindahang kinaroroonan namin. Amused pa rin ako. I haven’t seen any retail shops like this in our country. Convenience shop lang ang mayroon sa amin na medyo may kamahalan pa ang mga paninda. Hindi tulad dito na sa halagang piso ay makabibili ka na ng isang pirasong candy.
I bought a Coke. Inilagay iyon ng tindera sa isang plastic na may straw sa loob. I was a bit worried at first 'cause the soda might be spilled. The plastic looks fragile.
But I was wrong.
Kahit may pag-aalangan ay sinipsip ko mula roon ang Coke. My eyes widened. The coke may taste the same like the ones I intake before but sipping it straight from the plastic is a great experience for me!
Napasulyap ako sa dako ni Shirley. Halos dalawampung minuto na niyang kausap ang nasa kabilang linya. Hinayaan ko na lang. Alam ko kasing importante para sa kaniya ang taong kausap niya.
Mayamaya ay ibinababa na niya ang telepono. Nilapitan niya ako.
I looked at her in the eyes. Mayroong ekspresiyon doon na hindi ko mabasa.
"Mark..." Gumaralgal ang boses niya nang banggitin niya ang pangalan ko.
Hindi na ako nakasagot pa dahil sinugod na niya ako ng yakap. Mahigpit na mahigpit na yakap.
Sa puntong 'yun ay hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nayakap nang ganito ng isang babae maliban sa nanay ko.
Gumanti na lang ako ng yakap. Hindi man niya hinihingi pero alam kong kailangan niya 'yun sa pagkakataong ito.
Ramdam kong unti-unti nang nababasa ang dibdib ko ng mga luha ni Shirley.
Inalo ko siya. Nang sa tingin ko ay medyo nahimasmasan na ay kusa kong inangat ang kaniyang mukha. "Are you okay?"
Tiningnan ako ng malalamlam niyang mga mata. Mayamaya ay gumuhit ang isang malaking ngiti sa kaniyang mga labi na abot hanggang tainga. "Sobrang okay na okay na okay! Dahil sa 'yo, nakausap ko na ang tunay kong ama!" Lumambitin siya sa batok ko at hinalikan ako sa kanan at kaliwang pisngi. Ramdam ko ang pag-init noon. Kakaiba pero isinawalang-bahala ko na lang.
"Thank you talaga, Mark!"
"Oo na, oo na!" Dahan-dahan kong ikinalas ang mga kamay niyang nakapulupot sa batok ko. Ilang sandali ko munang pinakalma ang sarili ko dahil sa pagkabigla sa ginawa ni Shirley.
The person she spoke with earlier is Mr. Edward Riley Albert, her biological father. Matagal ko na siyang kilala. Luckily, he’d been our neighbor for a couple of years. British citizen siya pero permanent resident na sa Ireland mula nang mapangasawa niya 'yung kapitbahay naming si Chloe.
Noong ipakita ni Shirley ang picture ni Mr. Albert kahapon ay makailang ulit ko pang tiningnan iyon. Baka kasi kamukha lang.
My hesitation faded away when she confirmed that it's him indeed.
Shirley had a lot of questions afterwards. Nandoon din ang halohalong pagkasabik at pagkabigla sa kaniyang mukha.
Hindi na ako nagdalawang-isip. The next day, I decided to contact my family in Ireland.
I don't have my phone with me. I left it in Araneta.Nang bumalik ako sa dressing room ay wallet lang ang nadala ko. Umalis din ako dahil sa pagkataranta.
Sa una, kami muna ni Mom ang nag-usap. Iyak siya nang iyak. When she was calmed, si Dad naman ang nakausap ko. Alalang-alala sila sa akin parehas. Gusto nga nila sana akong sunduin kaso hindi naman pupuwede. There is no direct international flight that can enter Batanes so we're really stuck. We have no choice but to wait until the infection that spread all over the country will be gone.
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
FanfictionWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...