VIII.

823 39 8
                                    

Nililinis ko ang nagkalat na dugo sa sahig ng living room. Nang masigurong wala nang bahid iyon ay inilagay ko na ang mop sa likod ng pinto sa kusina.

Si Shirley? Hayun, nasa sofa. Kanina pa siya nakatulala habang lampas ang tingin sa dingding. Napagod na rin kaiiyak.

Nang makapagpahid ako ng alcohol sa mga kamay ay umupo ako malapit sa kaniya. Nagkaroon ako lalo ng laya na maobserbahan siya. Pugtong-pugto ang mga mata.

Lumipad ang tingin ni Shirley sa mga magulang niya. Payapang nakahiga ang mga iyon sa kutson, parang natutulog lang.

"Kanina lang madaling-araw, ginising pa ako ni nanay para makapag-prepare ako para sa concert," pagsisimula ni Shirley.

"Pinabaunan pa niya ako ng sinangag, maling, at calamansi juice para daw hindi na ako bumili sa fastfood restaurant. Pinipilit pa nga niya akong pagdalahin ng payong. Eh, nagpakatanggi-tanggi ako. Paano ba naman kasi, may pagkalaki-laking mukha ng mayor dito."

Napatigil siya, para bang may iniisip na malalim.

"Sana pala... sana pala..." Suminghot-singhot siya. "Sana pala tinanggap ko na lang. Di ko naman kasi akalaing iyon na pala ang huling beses na pababaunan ako ni nanay ng payong."

Isinubsob niya ang mukha sa mga palad. Mayamaya ay inalis niya rin iyon. Tila ba wala na siyang mailabas na mga luha. Tuyot na ang kaniyang mga mata.

"Then si Tatay naman, inangkas pa niya ako sa motor papunta kina Audrey kasi sa bahay nila ang meet up naming magkakaibigan. Binigyan pa nga niya ako ng P500 kasi baka kulangin daw ako, eh."

Tumingala siya at ipinaypay ang mga kamay, tila ba pinababalik niya ang mga luha roon.

"Akala ko pag-uwi ko e makikuwentuhan ko sila ng masasayang nangyari sa concert. Excited din 'yun mga 'yun, eh. Very supportive kasi sila sa pagfa-fangirl ko." Pagak siyang napatawa. Sinundan iyon ng pag-iling. "Wala na, hindi na nila maririnig ang mga kuwento ko."

Alam kong hindi madali para sa kaniya ang tanggapin ang lahat. Nadagdag pa sa pasanin niya na wala na ang kaibigan kong si Kian na labis na hinahangaan niya.

"Wala na si Nanay, si Tatay, pati si Kian." Nanghihina niyang isinandal ang ulo sa sementadong pader na dinidikitan ng sofa. "Wala na sila."

"I totally understand what you feel, Shirley," I started. "Kahapon ng umaga bago ang concert, niyayaya ako no'ng tatlo na mag-gym but I was too lazy to get up from my bed. If only I had known that it was the last time that I'll be with my friends, siguro nilabanan ko ang katamaran ko."

I stood up and heaved a deep sigh. "Wala na tayong magagawa, hindi na natin maibabalik ang kanilang buhay. On the other side of that, we both learned a lesson that we should not take the time granted while we still have the people closest to us. Na bawat oras na kasama natin sila e dapat nating pahalagahan bago mahuli ang lahat."

She looked at me. "Para saan pa e wala na ang mga taong malalapit sa akin? Pinatay na sila ng zombies."

"You have me."

Napasulyap siya sa dako ko.

"We may have just met, but we only have each other now."

Hindi ko alam kung tama ang pagkakabasa ko sa kilos niya pero para bang gumaan ang aura niya.

Kailangan kong mag-isip ng paraan para mas mapakalma siya.

Masakit pa rin para sa akin ang nangyari sa mga kaibigan ko pero pilit ko munang isinasantabi ang emosyon. Sa ngayon kasi, kailangan ko munang mas paganahin ang utak ko. Sa akin nakasalalay ang kaligtasan namin ni Shirley dahil ako ang lalaki.

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon