XX.

534 28 10
                                    

"I'm sorry for my intrusion." Lumapit siya sa amin. "I'm Nick. I believe, both of you already know me?" nakangisi niyang sabi.

"Siyempre, brad." Nakipagkamay ako sa kaniya. "Mark nga pala."

Ginantihan niya ang pakikipagkamay ko. Bumaling naman siya kay Shirley na noo'y nakanganga. "And you are?"

"I... I am... I am S-Shirley."

"Shirley. Napakagandang pangalan, bagay sa magandang binibining tulad mo." Inilahad ni Nick ang kamay sa harap ni Shirley. "Nice to meet you."

Agad kinuha ng huli ang kamay ni Nick.

"Magpapakuha sana ako ng picture sa inyo. Nakaabala yata ako sa inyong mag-boyf—"

"Hindi kami mag-boyfriend," sabay pa naming sabi ni Shirley na umiiling-iling pa.

Mahinang tumawa si Nick. "Kumbinsido na ako. So 'yun na nga. Magpapa-picture sana ako kung okay lang sa inyo?"

"Okay lang, brad." Kinuha ko ang camera na iniabot niya.

"Siyanga pala, may kasama ako." Bumaling siya sa likod namin kung saan naroon ang tinawag niya. "Tol, halika."

"Stephen?" Nagulat ako kung sino ang nandoon. Si Stephen Gately pala ng Boyzone.

Ano'ng ginagawa niya rito?

"Mark! It's been a long time!"

I just nod using my two eyebrows as a response.

•••

"Paano kayo napadpad sa Batanes?"tanong ni Shirley kina Nick. Nandito kami ngayon sa Jino's East Pizzaria habang pinagsasaluhan namin ang dalawang buong pizza.

"I'm here for a vacation with some friends in Subic when the outbreak started. Good thing, may nakilala akong Pilipino na isinama ako papuntang airport kaya nakapunta ako rito."

Kumagat siya sa isang slice ng pizza na halos nakapangalahati. "I've been here for more than a month already. Hindi lang ako lumalabas sa hometel. Busy sa paglalaro ng PSP."

"I see." Bumaling naman si Shirley sa katabi ko. "Eh ikaw, Stephen?

"Nagbabakasyon kami ng boyfriend ko  sa Vigan nang pumutok ang balita..." Oo, bakla rin si Stephen at matagal na niyang inamin iyon. Tanggap naman siya ng fans.

Nakita ko ang pagguhit ng mapait na ngiti sa kaniyang mga labi. Muli siyang nagpatuloy. "But he died. Nakaligtas kami sa zombies. P-Pero namatay naman siya nang mahagip ng humaharurot na sasakyan ng survivors. Wala akong nagawa kung hindi tanggapin na lang ang katotohanan at magpatuloy. I have to live." He sighed heavily. "But I'm okay now. Trying to recover."

We leaned our head forward to show empathy.

"Oh, eh kayo naman. Bakit kayo napapunta rito?" His grieving voice was replaced by an enthusiastic one.

I answered him. "We met in a concert."

Nick interrupted. "Nanood kayo?"

Nagkatinginan kami ni Shirley at marahang umiling.

"N-No. Galing ako sa concert nila at doon kami nagkita ni Mark."

"Wow, concert?" Ipinatong ni Nick ang kanang siko niya sa lamesa. "Concert ng?"

Nagtinginan kami nina Stephen at Shirley nang makahulugan.

"Westlife." I finally got the courage to answer.

"Westlife?" Kumunot ang noo ni Nick habang nakahawak sa kaniyang baba. "Parang narinig ko na ’yan."

"I'-I'm sorry. Hindi ko maalala, eh. Banda ba 'yan?"

My mood suddenly transitioned. Hindi ko nagugustuhan ang tono ng pananalita niya.

Naramdaman ko ang pagsipa ni Shirley sa paa ko sa ilalim ng lamesa.

"Yes, Nick. Actually, sikat na sikat sila sa Europa pati na rin sa Asya! Alam mo ba, papasukin na rin sana nila ang America kaso eto..." Shirley shrugged her shoulders. "...nagka-zombie apocalypse."

"My condolences are with you, Mark." Napukaw ni Stephen ang atensiyon namin. I already know what he is referring about.

"I heard the news few weeks ago. Napanood ko sa TV. Kung nasaan man sina Shane, Kian, at Nicky, alam kong nasa payapang lugar na sila."

"W-What happened?" may bahid na kuryosidad na tanong ni Nick.

"My bandmates were killed by the zombies," I said while holding the corner of the table.

Sumagot si Nick. "I'm sorry to hear that."

I nodded.

Isang nakabibinging katahimikan ang pumagitna sa amin sa loob ng ilang segundo.

"Let's call it a day. Medyo humahapon na rin." I looked at my wristwatch. "Nice meeting you two."

"Likewise, brad," sagot ni Nick. Bumaling siya kay Shirley. "I'm looking forward to see you again tomorrow."

"H-Ha?"

Napakuyom ang palad ko sa sinabing 'yon ni Nick. Hindi ko alam kung anong mayroon. Ang alam ko lang ay mariing tumututol ang damdamin ko sa mga oras na 'yun.

"I wanna know more about you." Lumapit siya kay Shirley at kinuha ang kanang kamay nito. Dinala iyon sa kaniyang bibig at banayad na hinalikan. Mas lalong nagpupuyos ang damdamin ko!

"See you tomorrow?"

Nakita ko na pulang-pula na ang mukha ni Shirley. Tinitigan ko lang siya at hinihintay kong lumingon siya sa akin para balaan siya ngunit hindi niya ginawa iyon. Nakatutok lang ang atensiyon niya kay Nick.

At ito na ang ikinatatakot ko. Ang pagpayag niya sa alok ng lalaki.

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon