Lalong lumapit ang lalaki sa amin at mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa rifle. Tila ba anumang oras ay handa na siyang ikasa iyon.
Sa bawat hakbang niya palapit sa amin ay isang paghakbang paatras naman ang aming ginagawa. Ganoon lang kami nang ganoon hanggang sa wala na kaming maatrasan.
Nang makalapit siya ay mas hinigpitan niya ang hawak sa armas. Lalo pa niyang itinutok iyon sa amin.
I didn't look away at the man. Ipinakikita kong hindi ako natatakot ngunit sa loob-loob ko ay labis ang pagtibok ng puso ko sa sobrang kaba.
Kung ako lang rin naman ang tatanungin e ayos lang sa akin na mamatay para pare-pareho na kami ng kapalaran ng mga kabanda ko. Kaso hindi puwede. Kailangan kong mabuhay. Ihahatid ko pa itong si Shirley sa bahay ng mga magulang niya. Kailangan ko siyang madala sa mga magulang niya nang ligtas.
Napahawak si Shirley sa braso ko. Ramdam ko ang panginginig niya nang labis.
Mayamaya ay unti-unting ibinaba ng lalaki ang kaniyang rifle. Nagpaluwag iyon sa dibdib ko kahit papaano.
Makailang beses na kumurap-kurap ang lalaki habang sinusuri ang mukha ko. "P-Pamilyar ka. Parang nakita na kita."
"S-Siguro nga po." Napasinghap ako. "I'm a member of the Irish boyband group named Westlife." Mukhang ito ang tamang pagkakataon para gamitin ko ang pagkakakilanlan ko bilang miyembro ng bandang binuo namin ng mga kaibigan ko.
Pagkagulat ang rumehistro sa mukha ng lalaki. "Y-Yung kumanta ng Swear It Again, Fool Again, at My Love?"
Sunod-sunod na pagtango ang itinugon ko sa lalaki.
Nagmadaling umalis ito sa harap ko. May pinuntahang isang shelf. Sa aking pagkakatanda ay doon nakalagay ang mga ibinebentang CDs.
Sinundan namin siya. Tama nga ako.
"Paboritong banda ng anak ko ang Westlife." Sinulyapan ako ng lalaki. Madali lang iyon. "Ang ngalan niya ay Estella. Bente singko anyos. Noon pa man ay nangongolekta na siya ng CDs ninyo. Nagpapasobra pa siya para may mai-display sa shop naming ito."
Pinaraan niya ang mga daliri sa ibabaw ng aming mga CD. "Sa paraang iyon ay nais niyang i-promote ang inyong grupo. Gusto niyang iparinig sa Tarlac ang musika n’yo."
Parang ihinehele ang puso ko sa pagkakataong iyon.
"Gusto nga sana niyang um-attend sa concert kaso nagkaroon ng emergency sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. Eh, kulang sa nars na naka-duty ang pasilidad nila. Ayun, hindi na nakaluwas."
"Nakatutuwa naman po. Mukhang magkakasundo po kami ni Estella. Tulad niya'y sobrang fan din po ako ng Westlife," pagsingit ni Shirley.
Nakangiti siyang tiningnan ng lalaki. "Malamang sa malamang! Eh, iyon ngang customer namin na fan din ng Westlife e kulang na lang e ipaampon sa amin ni Estella. Lagi kasing dinadala sa bahay." Napangiti ang lalaki.
"Nakakaaliw naman po ang kuwento n’yo. Kung gusto po ninyo, bibigyan ko ng autograph ang anak n'yo," pagsabad ko sa dalawa.
"S-Sige!" Dali-daling naghanap ng ballpen at papel ang lalaki sa counter. Agad din siyang bumalik sa puwesto namin.
Ngunit hindi pa man niya naibibigay ang papel ay nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mukha niya na kanina ay punumpuno ng kasabikan.
Laglag ang kaniyang mga balikat na binitiwan ang ballpen at papel na hawak, bagay na aming ikinagulat. Sinundan namin ng tingin ang paggulong ng ballpen hanggang sa ilalim ng isang istante.
"Sir?"
Tiim-bagang na nagsalita ang lalaki habang nakatungo. "Mukhang hindi ko na kakailanganin niyan. W-Wala na ang anak ko. Pinatay ng mga hayop na zombies!"
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
FanfictionWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...
