Ang inaakala naming saglit na pag-ulan ay mas lalo pang lumakas. Sinamahan pa iyon ng pagkulog at pagkidlat. Mas lalong dumilim sa puwesto namin dahil sa pangingitim ng langit.
"Mukhang matatagalan pa tayo rito," saad ni Shirley na nakatanaw sa labas ng kuweba.
Napabuntong-hininga ako. Sa sitwasyon namin ay mukhang gano'n nga ang mangyayari. Dalangin ko lang na sana huwag namang pasukin ng baha itong loob ng kuweba.
Pumasok pa kami sa loob dahil natatalsikan kami ng ulan sa may bungad.
"May nabasa ako tungkol sa tunnel na ito," panimula ni Shirley. "Dito pala tumira ang Japanese soldiers noong World War II. May limang lagusan palabas saka may kuweba pa sa ilalim."
"Really? Puntahan natin?"
"Ayoko nga!" Nagpakailing-iling si Shirley. "Dito nga e andilim-dilim na. Doon pa kaya? Mamaya e baka kung ano ang makita natin doon."
"Why? Huwag mong sabihing... takot ka sa multo?" I teased her.
"H-Hoy. Ano'ng tanong 'yan? A-Ako? Takot sa multo? Hindi 'no!"
"Ahh hindi nga. Hindi halata sa boses." Kahit madilim ay halata ko ang pag-usli ng mga labi niya.
Dinig ko ang pag-asik niya na sinundan ng paghalukipkip ng mga kamay.
At that moment, may naisip akong kapilyuhan.
"Shirley..."
"Ano?" Annoyance is in her tone.
I bit my lip so that I would not burst into laughter. "Do you know that I have the ability to see ghosts?" Mas pinababa ko ang boses ko para mas kapani-paniwala ang sinasabi ko.
"H-Huh?"
Muli akong nagpatuloy. "Ang totoo niyan, may silhoutte ng isang pamilya ang nakatingin sa atin kanina pa." Lumingon ako sa mas madilim na parte ng kuweba. Mas sineryoso ko ang pagtitig doon. "Doon. Duguan sila."
"T-Takte ka, M-Mark!"
"...unti-unti nilang itinataas ang kanilang mga kamay at humihingi ng tulong." Mas nilamigan ko ang boses, sapat na para magdulot ng pag-alingawngaw sa loob ng kuweba.
Hindi lumipas ang limang segundo ay nakalapit na si Shirley sa akin. Kumawit siya sa braso ko at yumupyop sa may kanang balikat ko.
"M-Mark n-naman, eh." Medyo gumagaralgal na ang tinig niya.
"Tulungan n'yo kami." Lumiwanag sa paligid dulot ng kidlat na tumama sa may labas lang ng tunnel. "Tulungan n'y—"
"Mark, please!" Biglang pumalahaw ng iyak si Shirley at tuluyan na siyang yumakap sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako na maaawa pero mas lamang 'yung awa.
"Uy, joke lang! I was just playing around." Hinagod-hagod ko ang likod niya para pakalmahin siya.
Tuloy-tuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa mabasa na 'yong bandang dibdib ng t-shirt ko.
"Sorry na." I kissed the crown of her head at nang ginawa ko 'yun ay medyo kumalma na siya.
"I'm afraid of lightning, the dark... and ghosts." Mas ipinagsiksikan niya ang sarili niya sa akin. Para siyang bata na nangangailangan ng kalinga ng magulang.
"Shhh." I let her rest on my chest. "Close your eyes. I'll keep you safe."
Mayamaya pa ay nawala na ang pagbigat ng kaniyang paghinga at panginginig ng kaniyang katawan.
Tulog na pala siya. Siguro dahil sa pagod sa maghapon naming pagba-bike.
I remained awake for a couple of minutes while tending her. Naghintay pa ako ng ilang saglit at nang masiguro kong ligtas kami kung nasaan kami ay hinayaan ko ang sarili kong magpalamon na rin sa antok.
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
FanficWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...