V.

974 46 8
                                        

"Naiwan ko 'yung bag ko sa kotse!" nagmamaktol na sabi ni Shirley. Halata ang pagkabagabag sa kaniya kasi lakad siya nang lakad paroon at parito. Hindi mawari kung lalabas ba siya para habulin ang kotse o hindi.

Humakbang ako nang ilang ulit palapit sa pinto para mas matanaw ko ang labas. Tumingin ako sa parte kung saan nakaparke ang sasakyan kanina. "Ano ba ang meron sa bag mo? Phone?"

Umiling-iling siya. "Dala ko 'yung phone ko." Itinuro niya ang bulsang nababakatan ng parihabang bagay. "Ano kasi, naiwan ko sa bag 'yung..."

"'Yung?"

"Yung pictures ni Kian!" Nag-frog seat siya at bumusangot. Nagpakawala pa siya ng malalim na buntong-hininga. "Nakakainis naman!"

Napaismid ako. "Akala ko naman kung ano'ng importante 'yung naiwan mo. Picture lang pala."

"Lang?" Tumayo siyang muli para harapin ako. She gave me a cold glare then turned her back at me. "Palibhasa hindi mo pa nararanasang maging fan. Hmp!"

"Psh." I didn't bother to explain anymore. Wala naman siyang magagawa, eh. 'Di na niya makukuha ulit 'yun.

I put a temporary barrier through the glass door of the store para hindi agad-agad makapasok ang zombie kung sakaling salakayin man kami. Nagkubli kami sa likod ng shelves para hindi kami kapansin-pansin.

Pinukulan ko ng sulyap si Shirley. Nasa kabilang sulok siya, masama pa rin ang loob. Paminsan-minsa'y nagtatama ang tingin namin sabay iirapan ako. Ginagantihan ko lang siya ng ngising nang-uuyam.

Kawawa naman.

I scanned the premises. Punong-puno ang mga naka-display sa bawat shelves, siguro ay kare-refill lang ng may-ari.

Something caught my attention when my eyes landed on the counter. Mas lumapit pa ako roon para kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko.

Napatango-tango ako habang hinihimas ang imaginary balbas ko. Isang ngiti ang kumawala sa mga labi ko.

***

Matapos ang tatlumpung minuto ay nilapitan ko si Shirley.

"Oh." I throw a brown envelope on her lap. Hindi gano'n kalakas pero sapat na para makuha ang kaniyang atensiyon.

Napakunot ang noo niya. Pinukulan muna niya ako ng tingin na sinabayan ng bahagyang pangungunot ng kaniyang mga kilay.

Buong pagtatakang binuksan niya ang brown envelope para tingnan ang loob.

Lumiwanag ang mukha niya nang makita kung ano ang naroon.

"Oh my gosh." Halos mapunit ang mga labi niya sa laki ng kaniyang ngiti.

Tiningnan niya ako. "Saan mo nakuha itong pictures ni Kian? Ang taray, sa glossy paper pa naka-print!"

"I printed those pictures." I pointed my finger to the counter. Mayroon kasing computer doon at saka printer. I made thirty copies of wallet sizes.

"Hala, ang pogi talaga ng bebe ko. Tapos 'yong ibang pictures, ngayon ko lang nakita. HD copy pa!" She looked at me. "Where did you get these?"

"Google account." I invited her to the counter so that I could show her other pictures.

Hindi naman talaga ni-release sa public ang iba roon. 'Yong iba e nakatambak lang sa Google Drive ko.

Mayamaya ay abala na siya sa pagtutok sa computer.

"Ang popogi n'yo rito." She zoomed in the photos. Pati pores namin sa mukha hindi niya pinalalampas tingnan. "Can we print these too? Kahit tig-iisa lang ng solo pictures n’yo. For souvenir."

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon