XI

766 39 5
                                    

Nang makabalik kami sa hometel ay doon iniyak nang iniyak ni Shirley ang lahat.

"S-Sorry, Mark, ha? S-Sinubukan ko namang tanggapin, eh. Pero ang hirap-hirap pala." Isinandal niya ang ulo sa dingding na sinasandigan ng kama niya.

"Never kong inisip na darating sa puntong maagang kukuhanin ang buhay ni Kian. Ni hindi ko pa siya nakikita nang malapitan. Ni hindi ko man lang nasabi sa kaniya harap-harapan kung gaano ko siya iniidolo. Na kung gaano kalaki ang impact niya sa buhay ko."

Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak. Sa totoo lang hirap din akong mag-isip ng comforting words sa kaniya. Anumang sandali ay pakiramdam ko e malapit na rin akong mag-breakdown.

Nang medyo kumalma na siya ay tinatagan ko ang loob ko. "Alam mo, Shirley, kung buhay lang si Kian, sobrang tuwang-tuwa 'yon sa iyo."

Napatigil siya sandali sa pag-iyak. Napatingin siya sa akin.

Umisog ako palapit sa kaniya. Kinuha ko ang mga kamay niya. "Close your eyes, Shirley."

Nagtataka man e sinunod na lang niya ako.

"Isipin mo, ako si Kian." Inihanda ko ang sarili ko at nagpakawala muna ng ilang malalim na paghinga. Ipinikit ko rin ang mga mata ko at inilagay ko ang sarili ko sa katayuan ni Kian.

"Shirley, you don't have an idea how it flutters our hearts everytime we found out that someone is supporting our passion and career. If we only have an opportunity, we could give a hug to each of the fans like who support us just to show our appreciation. We want you to know that we will be forever grateful, and you will always be a part of where we are today. Thank you for being a fan."

May gusto pa sana akong sabihin pero nagkaroon ng bara sa lalamunan ko kaya hindi ko na itinuloy.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Medyo napapitlag ako kasi nakanguso si Shirley, para bang naghihintay ng halik.

"Shirley?"

Napamulat siya agad nang tawagin ko ang pangalan niya. Tila ba nakaramdam ng hiya ay umiwas siya ng tingin.

"Bakit nakagano'n ka?" I pouted my lips to show her how she looks like earlier.

Kumuha siya ng kaunting buhok at nilaro-laro ang dulo no'n. "Eh, kasi sabi mo imagine-in kong si Kian ka."

"You're making me laugh, Shirley." I chuckled. Ang cute niya kasi.

Umusbong ang pamumula sa pisngi niya. I tried my best to control myself on teasing her. Sa loob-loob ko ay natatawa ako.

Akala ko e medyo napakalma ko na siya pero nagsisimula na namang bumalong ang kaniyang mga luha. She covered her face with her hands so that I couldn't see her tears rushing down her cheeks. She just kept on repeating Kian’s name.

•••

Kinumutan ko si Shirley nang makatulog siya dahil sa pag-iyak. Matagal din bago ko siya napatahan hanggang sa mapagod na siya.

Lumapit ako sa bedside table kung saan niya inilagay ang picture ni Kian na nasa frame. May nakasabit doong ilang pirasong kuwintas na may nakakabit na sariwang sampaguita. Mayroon ding nakasinding kandila sa dalawang tea light candle holders. Pag-alaala raw sa kaluluwa ni Kian.

Ilang segundo kong tinitigan ang larawan ng aking kaibigan. Para bang buhay na buhay siya roon.
"Bro, kung nasaan man kayo nina Nicky at Shane, sana masaya na kayo. Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para makabalik sa Ireland. Hindi ko hahayaang malimutan ng mga tao ang bandang binuo natin na minahal ninyo hanggang sa huling hininga n'yo."

Ilang minuto pa akong nanatili sa munting altar na ginawa ni Shirley. Mayamaya ay napagpasyahan ko ring matulog na.

•••

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon