X.

838 41 19
                                        

Dalawang pang-isahang kama na pinagigitnaan ng dalawang wooden bedside table ang bumungad agad sa amin. Kinuha ko ang malapit sa bintana. Kay Shirley naman ang kadikit ng dingding.

Nabihag agad ako ng kasimplehan ng kuwarto. Kalat ang puting pintura sa dingding man o sa kisame. Malinis at pulido ang pagkakalagay noon.

Walang aircon pero palagay ko ay hindi na naman iyon kailangan. Masyado nang maginhawa rito sa Batanes. Sapat na sa amin na nakabentilador lang.

I comfortably lay on the bed with my head resting on my arms.

Maingat na isinara ni Shirley ang kurtina sa bintana at pagkatapos ay hinarap niya ako.

"Bakit mo ako ipinakilala bilang fiancee?" Sambakol ang kaniyang mukha habang nakahalukipkip ang mga kamay. "It's considered cheating! Magagalit sa akin si Kian nito!"

I chuckled. "Cheating? Boyfriend mo ba si Kian?"

Padabog siyang umupo sa kabilang kama na katapat ng sa akin. "Oo, boyfriend ko siya—"

"Sa panaginip," I added.

Dumilim ang mukha niya. "Nakakainis ka!"

"Don't worry, Shirley. Wala naman akong intensiyong masama. Believe me, it is for our own good."

"Own good? Sleeping with a man in a same room, own g—"

"I'm gay." She was stunned. Medyo napaawang ang bibig niya.

I continued. "Ayan para tumigil ka na. Hindi kita gagawan ng masama. Hindi kita bet."

Lumapit siya sa kama ko at umupo sa gilid noon. "Gay?"

I smirked at her while raising my right eyebrow.

Naningkit ang kaniyang mga mata. Tila ba hindi pa siya kumbinsido. "Paano ka naging gay e 'di ba naging girlfriend mo sina Cathy Newell, Lauren Gold, Ebony Gilbert, Nicola Roberts, at si Mersina Berqgvist?"

Napabangon ako sa kama sa sinabi niya. Ngayo'y naka-indian seat na ako. "Alam na alam, ah. Fan ka nga talaga namin."

"Of course," she proudly answered. "Eh, totoo nga ba talaga? The fact na marami kang naging girlfriend e ang hirap paniwalaan."

She leans towards me and cupped my face.

"Itong guwapong ito? Gay? Di ako naniniwala." She furrowed her forehead. She put her upper lip inward making her lower lip more visible.

Hindi ako mapakali sa puwesto namin kaya marahan kong tinabig ang kamay niya.

"Marami ang nangyari kagabi. Humiga akong muli sa kama at tinalikuran siya. "Let's talk later. I'm tired."

Alam kong tumayo na siya kasi umangat ang isang bahagi ng kutson. Noon lang ako nakahinga nang maluwag.

Medyo nahirapan ako sa pagtulog. Nandoon ang paranoia na baka bigla na lang sumalakay ang zombies sa panahong natutulog kami. Na baka sa kasarapan ng pananaginip namin ay doon kami sugurin ng mga nilalang na iyon.

I have not counted the minutes that passed trying to put myself to sleep but I'm glad I was able to do it.

•••

Halos alas otso na ng gabi nang magising ako. Laking pasasalamat ko na nagising pa rin ako na walang zombies na pinagpipiyestahan ang lamang loob ko. At that time, I was already convinced that we're safe in Batanes.

Sumilip ako sa kabilang kama. Wala na roon si Shirley. Nakasalansan nang maayos ang mga unan at nakatiklop na ang kumot.

I did the same to my blanket and pillow. Siniguro ko ring walang gusot ang bedsheet kaya makailang ulit ko iyong inayos.

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon