Maaga pa lang ay naghanda na kami ni Shirley pabalik sa Batan Island.
"Gusto ko pa sanang manatili rito nang ilang araw, eh," saad ni Shirley na nakatingin sa labas ng faluwa.
"So do I. Di bale may next time pa nam—"
Hindi natuloy ang sasabihin ko nang hampasin ng alon ang sinasakyan namin. Pati kapwa namin mga pasahero ay nagsipagsigawan na kabilang si Shirley.
"Diyos ko po!"
Nakita ko pang nag-sign of the cross ang isang matanda.
"Wag kayong matakot. Normal 'yan. Mas bayolente ang tubig papunta sa Itbayat Island," sabi ng isang ginang na nasa singkuwenta ang edad.
Hindi pa kami nakababawi sa pag-upo nang may alon na muling nagpagewang sa bangka.
"Oh my g—" Muntik nang mabuwal si Shirley pero buti na lang ay napuluputan ko ng mga kamay ko ang baywang niya.
Nilingon niya ako. Sa puntong 'yun ay nagtagpo ang mga mata namin.
Hindi ako mapakali! Sinubukan kong iwasang tumingin pero hindi ko magawa dahil para bang may sariling buhay ang mga mata ko. Napagkit lang ang tingin noon kay Shirley.
Ginamit ko ang pagkakataong iyon para samantalahing purihin ang kaniyang magandang mukha. Ang mga pisngi niya na para bang kaysarap haplusin. Ang kaniyang mapupulang labi na para bang nag-aanyayang ito ay aking halikan!
Natigil ang pag-iisip ko nang muling umalon pero hindi na kasinlakas ng mga nauna. Noon lang kami natauhan ni Shirley. Ramdam ko ang ilang sa pagitan namin pero pinilit kong balewalain 'yun. Kailangan naming umayos ng pag-upo kaya inalalayan ko siya na hindi naman niya tinanggihan.
Hanggang sa pagbaba ay katahimikan ang namagitan sa amin. Mas lumala 'yung discomfort noong nakapasok na kami sa tinutuluyan naming unit.
"Mark, tatambay lang ako sa gazeebo." Ramdam kong hindi siya nakatingin sa akin kahit nakatalikod ako sa kaniya.
"Sige." Pagkasabi ko noon ay tumunog ang doorknob at lumangitngit ang pinto. Ibig sabihin noon ay nakalabas na siya.
Nang masiguro kong wala na siya ay umupo ako sa kama. Di pa nakuntento ay humarap ako sa full-length mirror na malapit sa pinto ng CR para harapin ang sarili kong repleksiyon.
"Ang weirdo-weirdo mo, Mark. Ano ba kasi, ha? Nagkakagusto ka na kay Shirley? Bakla ka 'di ba? Sa lalaki ka dapat magkagusto hindi sa—"
"Naiwan ko 'yung suklay k— Oh, Mark?" Nakataas ang dalawang kilay ni Shirley habang nakasapo ang isang kamay sa dibdib. "Gulat na gulat?"
Lumapit siya kung nasaan ako. Kinuha niya 'yung orange na suklay na nakasingit sa gilid ng salamin. "Ayun!"
Hinarangan niya ako para magsuklay. I stepped back to give her some space.
I just watch her through her mirror reflection while she ran the comb through her hair.
This woman is really making me dumbfounded.
"Narinig mo na 'yung balita?"
Unaware what it is, I asked her. "Na ano?"
She gasped. "May isang bangka raw na galing sa Abra. May sakay raw iyong isang pamilya. Ayon sa ilang Ivatan na nakakita, ilegal daw 'yun na dumaong sa Imnajbu Beach sa kalaliman ng gabi. Gusto sanang lumikas dito kaso..."
I didn't say any word. I just responded with my eyes asking what it is.
Nagpatuloy siya. "May isang infected silang kasama. Bata. Anak ng mag-asawa. Nagmakaawa raw 'yung ama kung puwede silang padaungin. Siyempre hindi pumayag 'yung mga pulis. Kaligtasan ng mga Ivatan ang nakasalalay, eh."
"Tama nga naman. Kung ako rin naman ang pulis e hindi rin ako papayag. Baka buong probinsiya ng Batanes naman ang magka-outbreak," pagsang-ayon ko.
"Yun na nga, eh."
"So what happened?" tanong ko.
Itinigil niya ang pagsusuklay at humarap sa akin. She looked me straightly in my eyes.
"Walang nagawa 'yung pamilya. Kaso bago sila umalis, nagbitiw ng salita 'yung tatay na pagbabayaran daw ng mga pulis 'yung ginawa nila."
Gumapang ang kilabot sa braso ko.
"Ikinatatakot ng mga Ivatan na baka dumaong sila sa ibang parte ng isla na walang bantay. Kaya nag-utos 'yung mayor na magkaroon ng patrolya sa buong isla. Not only here in Batan Island kung hindi pati na rin sa Sabtang at Itbayat."
She wrapped her arms around herself and hunched her shoulders. "Natatakot ako, Mark."
"Don't be." Nilapitan ko siya at walang alinlangan siyang niyakap.
Ang intensiyon ko lang sana ay pakalmahin siya pero dang it men! My heart pounded violently na para bang nakikipagkarera ako.
I tried my best to ignore it. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Hangga't nandito ako, hindi kita hahayaang mapahamak. I will protect you." I nuzzled her hair then kissed her temple.
Her soft hands pressed my back which made me gush a bit.
We stayed like that for few moments. Para bang napakakomportable ng posisyon naming iyon. It feels like it's our safe haven.
Napabitiw lang kami sa isa't isa nang may kumatok sa pinto ng unit namin. Si Aling Jessica.
Shirley awkwardly smiled at me before she steps her feet towards the door. Ah! Kung puwede lang higitin ko siyang muli para bumalik sa puwesto namin, ginawa ko na sana.
Kaso nahiya na ako.
"Spaghetti at cake. Birthday ng asawa ko." Malapad na ngiti ang iginawad ni Aling Jessica nang pagbuksan siya ni Shirley ng pinto.
"Salamat po! Pakisabi po happy birthday. Teka, isasalin ko lang po sa pinggan namin." Dali-daling pumasok si Shirley at pumunta sa kusina. I just observed her the entire time. Kahit ba wala namang espesyal sa ginagawa niya e parang sayang-saya ko na.
"Eto na po." Isinara ni Shirley ang pinto pagkaalis ni Aling Jessica. She switched her gaze on me with a smile plastered on her face. "Let's eat."
I cheerfully followed her to the dining table to join her devour the free food that was brought to us.
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
FanfictionWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...
