XV

663 28 5
                                    

We headed to Port of Ivana as early as six thirty in the morning. We rode on a jeep along with the other passengers who have the same reason of going to the port, which is going to Sabtang Island.

Nang dumating kami roon ay naabutan pa namin ang isang sasakyan na kaaalis lang. Wala kaming choice ni Shirley kundi ang hintayin ang kasunod na trip. Ayos lang naman dahil paniguradong hindi naman kami maiinip dahil nakalilibang pagmasdan ang paligid lalo na ang dagat na asul na asul ang kulay.

Mula roon ay natatanaw ko na ang isla ng Sabtang na may madidilim na ulap na unti-unting naghihiwalay para bigyang-daan ang sumisilip na araw.

Alas siyete y medya pa ang nakatakda naming pag-alis sakay ng susunod na faluwa, ang bangka na mas malaki sa tradisyonal na Ivana boat.

Umupo muna kami ni Shirley sa may seawall habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa baba ng sementadong seaside port.

"Tamang-tama lang itong pagpunta natin sa Sabtang. Hindi galit ang dagat. Hindi tayo mahihirapan sa pagbiyahe," saad ni Shirley.

I looked at the waves. I would have to agree with her. Nabigyan na rin kasi kami ng heads up ng locals na may pagkakataon talagang malalaki ang alon papuntang Sabtang. Kung hindi ka nga raw sanay e baka magulat ka pa.

"I want to experience the rough waves hitting the ferry boat. Sayang naman."

"Kung gusto mo ng rough waves na 'yan, try mo 'yong biyahe papuntang Itbayat. Para lang daw sa malalakas ang loob 'yon," she suggested.

Base sa nalalaman namin sa Itbayat, struggle daw kasi talaga ang pagsakay at pagbaba sa Chinapoliran Port, o Itbayat Port. We've seen videos of passengers landing on the port at talaga nga namang napakalaki at galit na galit ang mga alon. Para bang laging bumabagyo ang bawat paghampas noon kahit tirik naman ang araw.

Isa pa, magkamali ka lang ng tapak e malalaglag ka sa dagat. Kaya kakaunting turista lang ang nagtatangkang pumunta sa islang iyon.

"Anong mo? Natin," I corrected her.

Shirley violently shook her head. "Ayaw ko nga. Ayoko sa buwis-buhay na adventures. Baka mamatay ako nang hindi ko pa nakikita si daddy."

"Life-threatening adventure will always be a part of our lives, Shirley." Inayos ko ang pag-upo ko. "Remember, kaya nga nandito tayo sa Batanes e dahil ilang beses nating sinuong ang panganib makalayo lang sa zombies."

"Uy, ibang usapan naman na 'yun. Eh, mas gugustuhin ko pang bumalik sa Luzon at harapin ang zombies kaysa pumunta sa Itbayat."

"Talaga ba?" I gave her a challenging look.

"I'm just kidding," biglang bawi niya sa kaniyang sinabi. "Sige na nga, planuhin natin 'yang pagpunta sa Itbayat. Pero huwag na muna ngayon, ha? I'm not yet prepared!"

I chuckled. "Oo naman. Whenever you're ready, we can go there."

She gave me a soft smile.

•••


Parami na nang parami ang tao sa port. I wonder kung kakasya ba kami sa faluwa na parating. Siguro ay kaya naman.

"Nagugutom ako." Hinawakan ni Shirley ang kaniyang tiyan. Nagpalinga-linga siya, tila ba naghahanap ng mabibilhan ng pagkain.

"Sabi ko naman sa 'yo, kumain ka muna bago tayo umalis sa hometel, eh."

Tiningnan niya ako habang nakataas ang isang kilay. "Wow ha? Hindi ka pa nga rin kumakain, eh. It's a tie."

"Hindi naman ako nagugutom." Pagkasabi ko noon ay nag-alburuto ang sikmura ko.

Nagkatitigan kami ni Shirley sa loob ng dalawang segundo.

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon