XXV

735 29 9
                                        

Tahimik lang kami ni Shirley habang nag-iimpake pero ramdam namin ang tensiyon sa pagitan namin.

"Eto ba? Dadalhin pa natin?" Shirley asked me while holding a pillow.

"Huwag na. 'Yong basic needs na lang."

She nodded.

Marami pa sana kaming gamit na napundar sa buong pananatili namin na hindi namin madadala. Nakapanghihinayang pero wala kaming choice kundi iwan ang mga iyon.

Papunta kami ngayon sa Port of Ivana. I already messaged a direct contact na puwede naming sakyan paalis ng Batan Island. Delikado na rito.

Kung ano ang nakita namin kaninang bumaba sa bangka na kasunod ng lalaki e isang batang zombie.

Iisa ang nasa isip namin ni Shirley. Maaaring ito 'yung pamilya na nagtangkang idaong 'yung bangka ilang linggo ang nakaraan pero hindi nila nagawa dahil hindi sila pinayagan ng mga Ivatan.

They came back for revenge.

Wala kaming sinabihan ni Shirley dahil maaaring magkagulo ang mga tao. Paniguradong mag-uunahan ang bawat isa na makalikas. Eh, limitado pa naman ang mga bangka rito.

I just told my direct contact that we need to go to Taiwan because of emergency. Pinangakuan ko na lang siya ng malaking halaga basta ay maihatid niya kami nang ligtas doon.

Hindi biro ang tatahakin naming daan papunta sa Taiwan. It will be a long and difficult journey pero bahala na. Wala kaming choice.

"Mark, natatakot ako."

Kinawit ko ang ulo ni Shirley papalapit sa akin. Banayad kong hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Shhhh. Di ba sabi ko, poprotektahan kita?"

"T-Thank you." Isiniksik niya ang sarili niya sa dibdib ko. Lihim akong napangiti dahil doon.

Mayamaya ay kaswal kaming lumabas ni Shirley. Hindi nalingid kay Aling Jessica ang mga gamit na dala-dala namin.

"Oh, mukhang paalis kayo, ah?" Napatigil siya sa pagwawalis at tiningnan kami.

"Ah, pupunta lang po kami sa Itbayat." Siniko ko nang mahina si Shirley.

"Opo. Mga ilang araw din kami roon."

Tumango-tango si Aling Jessica. "Oh, sige, mag-iingat kayo." Muli siyang nagpatuloy sa pagwawalis. Kami naman ay magpapatuloy na sana sa paglalakad.

Hindi pa kami nakasasampung hakbang ay napatigil ako. Kinudlit ng konsensiya ang aking utak. Pinaalala nito ang mga mabubuting ginawa ni Aling Jessica sa amin habang nandito kami sa Batanes.

Muli akong pumihit pabalik sa kaniya para bulungan siya.

"Diyos ko po!" Nabitiwan niya ang walis at dali-daling pumasok sa loob ng hometel.

•••

Dumiretso na kami ni Shirley sa Ivana Port. Hindi nagtagal ay nand'yan na 'yung faluwa boat.

Nakasakay na kami ni Shirley at paalis na sana 'yung bangka nang may lalaking tumatakbo papunta sa amin. Actually dalawa. Sina Stephen at 'yung gagong si Nick. Oo, gago hindi na asungot. 'Yan na ang tawag ko sa kaniya kasi napakagago niya.

"Hintay!"

Napatigil ang bangka na kalahating dipa pa lang ang nailalayo sa port. Nakatalon na si Stephen papunta sa bangka namin. Tatalon sana si Nick pero hindi na niya nagawa dahil tumilapon siya sa semento.

"Pucha! Ano'ng—" Hinawakan ni gago ang mga labi niya at may dugong umaagos doon dulot ng pagpapalipad ko ng kamao ko sa pisngi niya.

"Para 'yan sa ginawa mo kay Shirley!" Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Muli ko siyang sinuntok. "At 'yan e para sa kahambugan mo!"

Isang matalim na titig lang ang nakuha ko mula sa kaniya. "Umalis-alis ka na sa harap ko at huwag na huwag mong iaapak ang mga paa mo sa bangka kundi ihahagis kita sa dagat!"

Pinilit ni gagong tumayo at paika-ikang lumayo. Pero nilingon niya akong muli at sinigawan.

"Fuck you!" He raised his middle finger.

"No. Fuck yourself!" I answered.

Pasampa na sana ako sa bangka nang magsipagdatingan ang kumpulan ng mga tao. Mukhang may ideya na ang mga ito sa nangyayari. Patay na.

Hinarangan ko sila. Hindi sila puwedeng sumakay lahat. Baka imbes na makaligtas kami e mapahamak pa.

"Magpapasakay ako pero mga babae at mga bata lang. Ang mga lalaki, maiiwan." Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. "May isa pang bangka na parating in fifteen minutes. Doon sasakay ang mga lalaki. Maliwanag ba?"

Dahil sa ikli ng oras ay napapayag ko na rin sila. Agad naming pinasakay ang mga kababaihan at mga bata.

Pasakay na sana ako nang may pumukaw ng atensiyon ko.

"I-Iho." Isa iyong matandang lalaki na sa tingin ko ay seventy years old na. "Nagmamakaawa ako. Pasakayin mo ako. Mag-isa lang ang apo kong babae sa bangka. Ako na lang ang inaasahan niya sa buhay."

Isang butil ng luha na kumawala sa mga mata ni lolo ang nagpalambot sa puso ko.

"O sige po, sige na. Sakay na po!"

"Maraming salamat iho."

Siya na ang pinakahuling tao na puwedeng sumakay sa bangka. Ibig sabihin noon ay maiiwan ako.

"Sige, manong. Paandarin n'yo na 'yan."

"Wait, manong!" Napatigil ako dahil sa nagsalita. Si Shirley.

"Mark, paano ka?"

I gave her a weak smile. "Susunod ako. I'll live. I promise."

"Pero, Mark. Baka mapaano ka. Ayokong iwan ka. Sasama ako."

"Hindi, Shirley." Umiling-iling ako. "You have to go first. Ililigtas ko ang sarili ko. Pangako 'yan." I raised my right hand as a vow.

"Pero—"

Hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil napigilan iyon ng pagdidikit ng aming mga labi.

Nagtilian ang mga tao sa paligid namin pero hindi namin iyon ininda dahil tanging mga sarili lang namin ang mahalaga sa mga oras na iyon.

Para akong nakalutang sa mga ulap sa pagkakataong iyon. Ang mga halik na iyon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para lumaban. Na mabuhay para kay Shirley.

Pagkatapos ng limang segundo ay kusa nang humiwalay ang aming mga labi. Nagtagpo ang kulay kastanyo at asul naming mga mata na para bang katulad ng kulay ng dagat at karagatan na naging saksi sa unang pagdadampi ng aming mga labi.

"Mahal kita, Shirley. Gagawin ko ang lahat para mabuhay. Para sa 'yo. Wala akong pakialam kung si Kian ang bias mo sa Westlife. Wala rin akong paki kung 'yung gagong si Nick 'yung true love mo. Handa akong maging bias wrecker makuha lang ang puso mo."

I gave her another quick kiss on the lips. "Mahal na mahal kita. You gave me another reason to live that is why I don't want this life to go to waste. So please..." I intertwined my hands with hers which she didn't object. "Trust me. I will live."

Isang butil ng luha ang kumawala sa kaniyang mga mata. "Magkikita pa tayo. Ililibre mo pa ako ng Irish coffee saka dadalhin mo pa ako sa Cliffs of Moher 'di ba?"

Pinahid ko ang luha sa kaniyang pisngi gamit ang hinlalaki sa aking kamay. "Of course."

I kissed her forehead. "Sige na. We're running out of time." I stepped back so the boat could now depart the port.

"Goodbye, Shirley."

"Goodbye, Mark."

Stephen consoles her while she watches me from the boat.

---
[Update: April 26, 2021]

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon