Nakabibinging katahimikan ang sumasalubong sa amin habang nagmamaneho ako ng sasakyan. Maging ang mga kabahayang aming nadaraanan ay may kakaibang katahimikang kapag inabala mo ay may itinatago palang ingay.
"Mark."
Nilingon ko si Shirley nang tawagin niya ako.
"Oh?" Sinulyapan ko siya nang mabilis sabay tutok muli sa pagmamaneho.
"Baka may makita kang bukas na tindahan o bahay. Makikiihi sana ako."
I nodded. I also felt the need to go to the bathroom.
Halos tatlumpung minuto na akong nagda-drive ngunit bigo kaming makakita ng bukas pa.
"Ihing-ihi na talaga ako," daing ni Shirley.
Binagalan ko ang pagpapatakbo. Itinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Inalis ko ang pagkakaharang ng seatbelt sa akin. Akma akong lalabas nang magsalita si Shirley.
"S-Sandali. Saan ka?"
I looked at her. "Iihi rin. Ako muna para masiguro natin kung ligtas sa labas."
She nodded. "Ingat ka."
Tipid ko siyang nginitian. Kinuha ko ang metal rod bilang proteksiyon sa sarili ko.
Nang matapos ako ay kinatok ko ang bintana malapit sa kaniya. "Ikaw na."
Alanganin pa siyang lumabas noong una.
"Dito lang ako. Babantayan kita. Don't worry, I won't peek." Sinabi ko iyon kasi alalang-alala ang mukha niya.
Gustuhin ko mang pumasok na sa kotse pero hindi puwede. Baka mapaano pa siya.
Katatapos lang niyang umihi nang may marinig akong pagkaluskos sa mga damuhan na hindi kalayuan sa amin. Akmang magsasalita si Shirley nang takpan ko ang bibig niya. Dahan-dahan kaming umupo at sumandal sa gilid ng sasakyan.
Tuloy-tuloy sa pagkaluskos ang damuhan. Mayamaya ay napalitan iyon ng mga yabag. Kung pagmamay-ari iyon ng mga tao o zombies ay wala kaming kaide-ideya.
Buti na lang pinatay ko ang headlights ng kotse.
Mabuti na lang talaga.
Pinalipas ko ang ilang minuto. Tumayo lang kami nang mawala na ang mga yabag.
"Ano 'yun?" pabulong na tanong ni Shirley sa akin.
I shook my head.
Dahan-dahan kaming sumakay sa kotse at siniguro naming naka-lock ang lahat ng pinto. Nang okay na ay saka ko ulit pinaandar iyon.
Dalawampung segundo palang yata akong nagda-drive nang matanawan namin ang ilang tao na sa palagay namin ay ang mga galing sa damuhan kanina.
Subalit nang makalapit-lapit kami ay ganoon na lang ang takot naming dalawa. Hindi tao ang mga iyon. Zombie pala!
Napatigil sa paglalakad ang mga ito. Nasa anim ang bilang nila. Dalawang babae at apat na lalaki. Naglalaro sa animnapu at pitumpu ang edad.
Lumikha ng ingay ang mga ito. Sinubukan kaming habulin ngunit napakabagal ng kanilang pagtakbo. Siguro ay dahil sa katandaan.
"Muntik na tayo, Mark. Buti na lang naisip mong patayin 'yung headlights ng sasakyan," Shirley said as she looked at the side mirror of the car. Tinatanaw niya pa rin ang zombies na tumatakbo.
I saw her wiping her own sweat with her handkerchief. "Sobrang nakaka-tense. Buti na lang hindi ka kasimbagal mag-isip tulad ng mga bida sa zombie movies. Doon e tutunganga muna sila bago kumilos. Kaya napapatay, eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/265711480-288-k975548.jpg)
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
FanfictionWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...