She gulped and moved backward while returning a glance to me.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at komportableng umupo.
"Shirley, crush mo ba ako?"
She was obviously taken aback after hearing my question. Shock was drawn on her face. Tila ba hindi siya naging handa sa aking katanungan.
She released a sigh and calmed herself. "Hind—"
"Really?" I leaned forward and put my arms on the table. "Kahit nakalagay talaga sa slumbook mo?"
Namuti ang kaniyang mukha pagkasabi ko noon. Para bang nakakita siya ng multo. Tatlong sunod-sunod na paglunok ang ginawa niya sabay marahas na umiling.
Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Nilaro-laro ang stirrer na nasa tasang walang laman. I calmly looked at her. "Remember, nasa honesty store tayo."
Bahagya niyang iniawang ang kaniyang bibig, tila ba nais depensahan ang sarili. Sa huli ay itinikom rin niya iyon sabay sandal muli sa kaniyang upuan.
"Fine." She brushed her hands together while throwing a glance at her right side. "Crush kita. Slight lang."
Sinulyapan niya ako. Sinuklian ko naman 'yun ng nakalolokong ngirit.
"Oh?"
"Oh, ano?" ganting tanong ko sa kaniya.
"Won't you ask why?" She pressed her hands to her cheeks.
I nodded once. "Why?"
"Kasi ikaw ’yong pinakaguwapong member ng Westlife para sa akin. Siguro 'yun lang talaga 'yung pinaka-reason." She threw her head back. "Pero sorry, si Kian pa rin talaga, eh."
I laughed a little. "Kung buhay pa si Kian, siguro rinding-rindi na rin 'yun sa pagbubukambibig mo ng pangalan niya." I stood up and faced the door. "Tara na, baka hinahanap na 'yung bike. Kagabi pa dapat 'yan naisauli."
I only got a roll eyes from her as a response.
•••
Three weeks quickly passed by and we still remain stuck here in Batanes. Lalo kaming nagiging komportable ni Shirley sa isa't isa.
Most of the time, we always do things together like doing the laundry, cleaning the unit, and cooking.
Palagi rin kaming magkasama lumabas. Hindi ko rin naman siya hinahayaang umalis mag-isa. We cannot guarantee our safety here, hangga’t hindi pa tuluyang natatapos ang outbreak.
Kapag naman parehas kaming tinatamad lumabas e pumupunta kami sa mga katabi naming unit para makipagkuwentuhan o 'di kaya naman ay mag-movie marathon.
Alam na nga pala nila na hindi talaga kami engaged ni Shirley. We were busted when some refugees recognized me as a member of Westlife. Gayunman, hinayaan pa rin nila kami na magkasama sa isang unit. Wala namang isyu sa kanila iyon.
Sometimes, I would sing Westlife songs in front of our co-refugees. Mayroon kasing gathering every Saturday night kung kailan may munting programa pagkatapos naming kumain ng dinner nang sama-sama.
Habang tumatagal kami sa Batanes ay lalong napapalapit ang loob ko sa lugar na ito. It feels like a part of me would still remain here even though I leave this.
Patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap kina Mom and Dad. I may say that talking to them is really therapeutical for me. Nakatutulong sila na labanan ko ang lungkot at pangungulila ko sa mga kaibigan ko. I also feel relieved na okay lang sila sa Ireland, na hindi nakarating sa kanila ang zombie outbreak.
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
FanfictionWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...