XVII.

611 28 4
                                        

Pagkagaling namin ng Chamantad-Tinyan viewpoint ay pumunta naman kami sa Sabtang zipline. Gusto ko na sanang magpahinga pero masyadong mapilit si Shirley. Sulitin na raw namin ang araw.

Tinyaga naming lakarin ang mga baitang paakyat. Medyo nakakapagod pero hindi gaano. Nakailang tigil din kasi kami para magpahinga.

Nang marating na namin ang tuktok ay tinanaw ko ang paligid. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mamangha na para bang unang beses ko palang na nakatapak sa Batanes. There is too much greenery here as if I am in the country of Ireland.

 There is too much greenery here as if I am in the country of Ireland

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Antarik pala nito. Ayoko na!" Akmang babalik si Shirley sa pinanggalingan namin nang harangan ko siya.

"Hold on a minute!" I spread my arms to block her way. "Matapos mo akong pagurin pag-akyat dito e aayaw ka na?"

Sumimangot siya at naghalukipkip ng mga kamay.

Muli akong nagpatuloy. "Ganito na lang. Isipin mo, nasa dulo nitong zipline si Kian." Nilingon ko ang direksiyon ng paglalapagan namin. Itinuro ko iyon kaya napatingin din siya. "Kunwari, nag-aabang siya sa 'yo roon para imbes na matakot ka e ma-excite kang mag-ZIP line."

Pinamaywangan niya ako. "Sa taas nito, talagang literal na sasalubungin ako ni Kian 'pag napigtas ang tali nito." She rolled her eyes.

I chuckled. "You're overthinking, Shirley."

Inismiran lang niya ako. Binalingan niya 'yung bantay ng zipline. "Sige na kuya, pakitalian na ako ng gear. Pakisiguro pong mahigpit ha? Please?" Nag-puppy eyes pa siya kay manong which makes her look cuter.

Wait. Did I compliment her again?

Ano na ang nangyayari sa 'yo, Mark?

Tinulungan ko ang sarili kong bumalik sa huwisyo.

Sunod-sunod na pagtango ang ginawa ni manong. He helped Shirley put on the gear.

"Kuya, sigurado ka bang safe 'to? Baka mahulog ako ha?" Maya't maya ang kapa ni Shirley sa locks.

Napahawak sa batok si Kuya dahil sa kakulitan ni Shirley. "Naku, ma'am. Matibay na matibay po 'yan. Mas matibay pa sa relasyon n'yo ng inyong ex."

Napaurong si Shirley habang nakasapo ang isang kamay sa dibdib. "Kuya naman, wala pa akong ex." Natawa ako nang bahagya sa reaksiyon niya. Yung mukha kasi niya eh hindi mo maitsurahan.

Humakbang ng dalawa si Shirley palapit sa anchor. She rubs her eyes after looking at the scenery below. Napatingin naman ako sa mga tuhod niya. Those are trembling.

Mayamaya ay kumalma rin siya. Siguro'y nakatulong ang sunod-sunod na mababagal niyang paghinga para dalhin sa komposisyon ang sarili."Teka, magre-ready lang ak-"

Hindi na nakatuloy sa pagsasalita si Shirley. I walked towards her, gathered all my strength, and pushed her gently.

"Ahhhhhh! Lagot ka sa..... akin, Mark!"

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon