Hindi naging madali ang paglabas namin sa Araneta. Nagpahirap sa amin ang hindi mabilang na taong kung saan-saan sumusulpot pati na rin ang zombies na humaharang sa kotse namin. Idagdag mo pa ang mga sasakyang nakabaligtad sa kalsada. Ang ilan nga ay umaapoy pa.
"Kuya, ate, pasakay!" Sunod-sunod na pagkatok ng isang binata na nasa bente ang edad ang gumambala sa amin. Maayos pa ang suot nito pero gulo-gulo na ang buhok.
I observed the guy. Mukha namang hindi infected.
Sinabihan ko ang babae. "Miss, open the passenger's seat!"
"S-Sige."
Tinatangka niyang alisin ang seatbelt niya pero hirap na hirap siya.
I clicked my tongue. "Ako na nga." I moved a little bit closer to her so that I could remove her seatbelt. Sa loob lang ng ilang segundo ay nagawa ko iyon.
"Ayun!"
"Miss, miss. Pakibilis." Desperasyon na ang nasa tinig ng lalaki.
"Oo, eto na!"
Nakalapit na ang babae sa pinto ng passenger's seat. Bubuksan na lang sana niya iyon nang biglang may humiklas sa lalaki. Isa na namang zombie.
"Ahhhhhhhh!!!!!!!"
I heard that the door was unlocked.
"Lock it again, miss!" I shouted.
Pigil ang aking hininga habang tinitingnan ang pagla-lock ng babae sa pinto. I was relieved when she did it.
It was just in time because three zombies wearing military uniforms approached our car. Dinikit ng mga iyon ang mukha sa salamin kaya nabahiran ng kaunting dugo iyon.
Napahawak sa dibdib ang babae, halata ang gulat.
"Bumalik ka na rito sa unahan. Hindi tayo puwedeng magtagal dito sa siyudad."
"O sige." Nagmadali siyang bumalik sa tabi ko at muling isinuot ang seatbelt.
Napaandar ko na ang kotse pero itinigil ko rin iyon kahit hindi pa kami masyadong nakalalayo. May mag-inang humarang sa kotse namin. Para bang wala pang isang taong gulang ang batang karga nito.
Lumapit sila sa bintana na malapit sa kasama ko.
"Parang awa n'yo na. Kahit anak ko na lang ang isama ninyo, huwag na ako." Tigmak ang luha ng babae. Pati ang bata ay umaatungal na sa kaiiyak.
May humaplos sa isang bahagi ng puso ko. Malalapit ang loob ko sa mga bata.
"Pagbuksan mo na sila, miss," mahinahon kong pakiusap sa katabi ko.
Pero hindi ako nakatanggap ng tugon. Nanatili siyang nakatingin sa mag-ina.
"Miss, I said open the—"
I was cut off when she shook her head. Nilingon niya ako. "May kagat iyong bata sa kamay."
Isiningkit ko ang mga mata ko para kumpirmahin ang sinabi ng katabi ko.
Tama nga siya.
"Kahit 'yung anak ko n—"
Kapwa kami nagulat ng kasama ko nang may sumagpang sa babae. Nabitiwan nito ang hawak na anak.
"Yung baby!"
Naialis ko ang seatbelt ko nang wala sa oras para lang makita kung ano ang nangyari sa bata.
Akala ko ay namatay na ito sa pagkakabagok pero ang nakita naming tagpo ang mas nagpagulat sa amin. Katulong na kasi ito ng zombie na humigit sa kaniyang ina. Pinagsasaluhan ng mga ito ang karne ng babaeng buhay pa ma'y, pinagpipiyestahan na ang katawan.
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
Hayran KurguWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...