XXVIII

1.4K 56 31
                                    

A year and a half already passed. I've been to London multiple times already but I didn't see any signs of Shirley. It's okay. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. I will pursue her.

God knows how much I missed her. 'Yung pagzi-ZIPline namin, pagligo sa beach nang makailang ulit, pagba-bike, pagtambay sa lighthouse, panonood ng sunset, pagkain ng Ivatan food. Pati na rin 'yung pagtulog at paggising na mukha niya 'yung makikita ko kahit nasa magkaibang kama, gusto ko nang maulit.

I sighed. I walked towards a coffee shop after I reminisced those happy memories with her. I bought two Irish coffees. Nakasanayan ko nang bumili ng dalawa palagi 'cause it always reminds me of her. Gustong-gusto niyang matikman ito noon pa man.

I drove my car towards Cliffs of Moher in County of Clare. Nakasanayan ko nang pumunta rito dalawang beses sa isang buwan.

Everytime I go here, it always makes me remember the happy moments I had with the lads while we are shooting the music video of My Love. Yung pagbabasaan namin ng tubig at 'yung pinagkaisahan naming itapon sa tubig si Shane, sobrang solid.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang makatanggap ako ng tawag.

"Yes, bro. Ah, sige 'pag may time ako. Sige. Sige. Hindi ako available today, eh. Sige bro, keep in touch."

Si Nick 'yung tumawag. Nagkaayos na kami at nagkapatawaran. Pero gago pa rin ang tawag ko sa kaniya minsan. Okay lang naman daw sa kaniya.

Pabalik na sana ako sa kotse ko nang may kumuha ng atensiyon ko.

I can hear my heart pounding from the inside and it's uncontrollable. Hindi. Hindi puwedeng magkamali ang puso ko.

I slowly walks towards her. The nearer I get, the louder my heartbeat becomes.

I gulped. I just stayed few steps away from her while observing her wavy hair being ruffled by the wind.

Gustong-gusto ko na siyang yakapin pero natutuod ako. Pero eto na ang chance na matagal ko nang hinihintay so I gathered all the courage to finally speak to her.

"Shirley."

Hindi natapos ang isang segundo dahil agad niyang ipinihit ang ulo niya patungo sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata na noo'y nag-usap sa mga sandaling hindi namin mailabas ang nais naming sabihin gamit ang aming mga dila.

"Mark!" aniya habang nakatutop ang palad niya sa kaniyang bibig.

Lumakad ako papunta sa kaniya habang hindi iniaalis ang titig sa mukha niya.

"Coffee?" Inilipat niya ang tingin sa hawak kong tumbler na may kape. "Irish coffee 'yan."

A smile arched from her lips and in an instant, our arms clasped around each other as we pressed our chests together.

"Thank you!"

"Uy, ingat. Baka matapunan ka ng kape. Mainit 'yan," I worriedly told her.

Pero hindi siya natinag. Mas hinigpitan pa niya ang yakap niya na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Sobrang na-miss kita, Mark." She lifted her chin and I could see her eyes start to water. "Alalang-alala ako sa 'yo."

My heart melts after hearing those words from her.

"You don't know how much I feel the same." I wipe off her tears with my thumb. "Hinanap kita."

"Gusto rin kitang hanapin at balikan dito sa Ireland kaso hindi pa ayos ang papel ko." She gulped and her face lit up. "Pero okay na! Jodi Albert ang pangalang nakarehistro sa akin sa UK pero kung gusto mo akong tawaging Shirley, that would be totally fine."

"I will always call you Shirley. T-The same name that my heart keeps beating since the day that I realized that I love you." I bit my lower lip in silence. Kakikita lang namin, ganito na agad ang pinagsasabi ko sa kaniya? Nakakahiya!

A beam of smile came out from her lips and before I could ask, her lips already sealed mine.

"I love to be called Shirley. It hits differently if you're the one saying it."

"Shirley..." I uttered as I hold my lips which she kissed.

"I love you, Mark."

Napakurap-kurap ako para siguruhing nasa reyalidad ako.

"H-Ha?"

"Dati, natatakot ako. Natatakot akong aminin sa 'yo na nahuhulog na ako. Na sa bawat araw na magkasama tayo sa unit, lalong lumalala ang feelings ko sa 'yo. Pero hindi, Mark eh. Dahil nagkukusa ang puso kong mahalin ka. Na hindi ko na lang namalayan na isang araw, puro pangalan mo na lang ang isinisigaw ng puso ko bago ako matulog at pagkagising ko."

I just continue to listen.

"Then nakita na lang kita noong isang araw na nakatingin sa bakanteng bedside table ko. I already have an idea kung bakit ka nandoon."

"Kasi wala na 'yung pictures ni Kian." I said.

She nodded. "Kaya ginamit ko ang pagkakataon na 'yun para iparating sa 'yo na may nararamdaman ako sa 'yo. Kasi akala ko, parehas tayo ng nararamdaman. Na 'yung pagiging iba ng mga tingin at ngiti mo ay binigyan ko ng kahulugan." She sighed. "Pero umiwas ka. Akala ko tuloy..."

"Cause I assumed you're talking about Nick."

She chortled. "What? Nick?" I only look at Nick as an idol in a boyband. Pero ikaw..." She hold my chin. "Iba ka."

Sunod-sunod na dagundong ang kumakawala sa naghuhuramentadong puso ko.

"Mahal kita, Mark."

I grabbed her waist and pulled her towards me.

"Mas mahal kita, Shirley. Hinding-hindi ako magsasawang ulit-ulitin 'yun sa 'yo. Magka-zombie outbreak man ulit—"

"Rawr!"

Gulat kaming napatitig sa pinanggalingan ng tunog.

"Ohh, Diggy. You're playing with a cat again." A blonde woman said as she pat her dog's head.

Nagkatinginan kami ni Shirley at napatawa. Inakbayan ko siya at sabay naming tinitigan ang kagandahan ng Cliffs of Moher.

Wakas

Started: April 12, 2021
Finished: April 30, 2021

Lockdown with a FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon