Nakakapagod ang araw na ito kaya naman bagsak agad ang katawan ko pag-uwi ng unit. Si Shirley naman ay dumiretso ng banyo para maghilamos.
Sa tagal na naming magkasama, alam ko na halos ang daily routine niya. Maghihilamos sa hapon, mag-a-apply ng facemask, at tititig sa picture ni Kian sa bedside table niya.
Speaking of Kian, nilingon ko 'yung bedside table ni Shirley para tingnan ang picture ng tropa ko. Nagsawa na ako sa mukha no’n ni Kian. Araw-araw ko ba namang nakakasama. Pero mula nang mawala siya, napagtanto kong nakaka-miss din pala.
Napakunot ang noo ko nang makita kong malinis na ang bedside table ni Shirley. Walang anumang bagay na may picture ni Kian.
Lumapit ako sa bedside doon para siguruhing wala talaga. Baka kasi nakatabi lang kung saan. Paglapit ko roon, kahit sa ilalim, wala na ring picture ni Kian.
Hindi kaya...
"Shirley.."
"Oh?"
"Naisip ko lang. Kailan ka titigil sa pagbubukambibig sa tropa ko?"
She wiggled her feet on the grass. "Hmm, siguro 'pag nakilala ko na 'yung taong magpapalimot sa akin kay Kian. What I mean is, I will always remember him. I will and I can never forget him and I am sure of that. First love ko 'yun 'no!"
Humarap siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "Iba kasi 'pag dumating na 'yung true love mo. Parang malilimutan mo kasi 'yung mga tao sa paligid mo. 'Yung tipong parang siya lang ang taong gumagalaw sa mundo mo. Siya at siya lang."
Umalingawngaw sa akin ang mga sinabi niyang iyon.
"Kaya 'pag napansin mong hindi ko na binubukambibig si Kian, it means nakita ko na 'yung true love ko!"
It hit me. Pansin ko nga na hindi na niya bukambibig si Kian nitong mga nakalipas na araw.
I-Is she in love? With whom?
Huwag niyang sabihing sa asungot na 'yun! Hindi. Masyadong mabilis naman. Kakikilala lang nila!
Hay, Mark! Bakit ka ba nagkakaganito?
"Oh, Mark?"
Napalingon ako nang magsalita si Shirley sa likod ko. Nakalabas na pala siya sa banyo.
"Ah... eh..." Tumingin ako sa bakanteng bedside table niya. "Nakakapanibago lang."
Ngumiti siya nang tipid at tinungo niya ang kama niya para umupo roon. "Come, sit." Tinukoy niya 'yung tabi niya.
I did what she instructed me to do. Ngayon nga ay magkatabi na kami.
There is an awkward pause between us. All we could hear is the sound of the air coming out from the aircon.
"Naalala mo ba 'yung sinabi ko noong nasa Chamantad-Tinyan viewpoint tayo?"
Ito 'yung naiisip ko kani-kanina lang. Hay, sinasabi na nga ba. Tsk.
"Na 'pag nakilala ko na 'yung taong magpapalimot sa akin kay Kian, 'yung true love ko e titigil na ako kabubukambibig sa kaniya."
Tumawa siya nang marahan sabay tingin sa akin.
"Nakilala ko na siya, Mark."
May kumislap na kakaibang emosyon sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Gusto kong magtanong pero nanatiling pipi ang bibig ko.
"Hinihintay ko lang siyang umamin sa akin. Ayoko naman kasing mag-assume. Na baka kasi mali 'yung akala ko na parehas kami ng nararamdaman sa isa't isa."
Hinayaan ko siyang magpatuloy.
"Hindi ko rin kasi akalain. Tinatanong ko ang puso ko kung bakit sa ganoong kadaling panahon ay tumibok ito sa taong iyon. Napakabilis naman kasi. Halos kakikilala lang namin."
I screamed internally. Si Nick nga siguro ang tinutukoy niya.
Gusto kong maiyak. Hindi ko alam kung bakit.
"Ouch." Humawak ako sa tiyan ko. "Shirley, teka lang ha?"
Tumakbo ako papunta sa banyo at agad isinara ang pinto. Hindi naman kasi talaga masakit ang tiyan ko pero nagdahilan lang ako. Hindi ko na kasi kaya pang pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin. Kung gaano niya kagusto si Nick. Na 'yung asungot na 'yun ang sinasabi niyang true love.
Hindi puwede.
Humarap ako sa harap ng salamin sa loob ng banyo at seryoso kong tiningnan ang mukha ko sa salamin.
I internalize at kinausap ang aking sarili. In few minutes, I came up with one conclusion.
Mahal ko si Shirley, and I will not deny it to myself anymore.
Kung dati pinipigilan ko pa kasi alam ko sa sarili kong bakla ako. Na hindi puwede kasi lalaki dapat ang gustuhin ko.
Pero hindi, eh. Tinamaan talaga ako sa kaniya.
I keep on ignoring what I'm feeling 'cause I don't want her to keep distance from me once she knew about it.
Pero wala. Mahal ko na talaga siya.
Mahal na mahal ko na siya.
But I am too late.
Dahil may Nick na siya.
BINABASA MO ANG
Lockdown with a Fan
Hayran KurguWATTYS 2022 WINNER Fanfiction category Isa sa mga pangarap ng fangirls ay ang ma-meet ang paborito nilang celebrity. Para kay Shirley na isang fan ng Westlife, ang makita ang mga hinahangaan kahit sa malayo ay isa nang pangarap na natupad. Paano pa...