Pagitan | PAPA ERAN

19 1 0
                                    

Title: Pagitan

_ _ _



Kung tatanungin kita,
Handa ka na ba?

Handa ka na bang maging handa sa mga bagay na hindi ka pa handa?
Lumaki, magdesisyon, tumanda.
Sapagkat ang mga ito ay hindi napipigilan,
At kailangan mo nang pagdaanan.


Iniisip ko kung na saan na nga ba tayo?
Kung ito ang katapusan, mayroon bang darating na simula?
Sapagkat naniniwala ako na sa bawat pagtatapos ay may panibagong simula,
Na may mga panibagong pagkakataon na magbibigay pag-asa.
May mga bagong makakasama sa pighati at ligaya,
Sabay-sabay gagawa ng panibagong mga memorya.




Ngunit kung ito ang simula, kailan naman ang katapusan?
Sa pagsasara ng pintong ito,
Tatahak na tayo sa panibagong yugto.
Yugtong kailangan na lalong. magseryoso,
Dahil panahon at kinabukasan, ang nakasalalay rito.
Mangangapa sa mga bagong tao,
Matututo ng mga bagong estilo.
Ilang taon pa ng pagsusumikap,
Sa huli, lahat ng ating naging paghihirap,
Ay mapapalitan ng sarap.



Muli, kung tatanungin kita;
Handa ka na ba?




Handa ka na bang suungin ang bagong mga hamon?
Lagpasan at pagtagumpayan ang bagsik ng panahon?
Mahirap man ang bitbit ng mga pagkakataon,
Maging handa ka na laging bumangon.
Tungo sa entablado,
Suot ang itim na toga,
Upang kamtin ang pinaghirapang diploma.



Dahil wala.
Wala tayo sa simula o sa katapusan.
Sapagkat tayo ay na sa pagitan.
Sa pagitan ng pagiging bata at pagiging matanda,
Roon tayo matatagpuan;





Sa pagitan ng paglayo sa nakaraan,
At sa pagbuo ng ating kinabukasan.
Wala nang atrasan.
Isang hakbang paharap,
Patungo sa ating hinaharap,
Upang tuparin ang ating mga pangarap.

Mga Tula Ni Papa EranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon