Title: Pahina Isa
_ _ _
Pahina isa.
Ang isang panibagong rebolusyon ng mundo ay nagsimula na.
Panibagaong pag-ikot, panibagong taon na.
Ngunit paano nga ba tayo muling magsisimula?
Maligayang bagong taon, pero tunay ka nga bang maligaya?
Nakahanda na ba tayong muling umasa?
O dahil sa iba't ibang mga pagsubok, napagod ka nang maniwala?Marahil hindi tayo magkakilala,
Pero nais ko lang ipaalala,
Hindi ka nag-iisa.Nabugbog ka man ng takot,
Pinaikot-ikot ng matinding kirot,
Marahil puro pasakit ang sa iyo ay dulot,
Ng mundong ito na puro pasikot-sikot,
Walang kasiguraduhan,
Puno ng hirap at kalumbayan
Na minsan, ay sinasabayan pa ng matinding kalungkutan.
Marami mang kabagabagan, ituloy mo pa rin ang laban.
Ang iyong katatagan,
Ay ang kahayagan,
Kung gaano kalakas ang iyong kalooban.
Maaari ka namang tumigil at magpahinga,
Pumikit at magpakawala ng malalalim na paghinga,
At sa iyong muling pagdilat.
May pag-asa na sa'yo ay bubungad.Kung saka-sakali man na maisipan mo nang sumuko...
Pakiusap, hinto.
Sapagkat may Diyos na palaging naghihintay sa'yo.
Hindi mo pa man nabibigkas ang iyong mga panalangin,
Alam na n'ya ang bigat ng iyong mga dalahin- ang iyong mga pasanin.
Kung kaya't mas lalo ka pang manampalataya.
Anumang problema na iyong dinadala,
Ay nariyan, upang ang Ama ay mas lalo mo pang makilala.Kaya't sa pagharap mo sa panibagong taon ng buhay,
Bitbitin mo ang mga aral na sa iyo ay nagpatibay.
Sila ang magpapatunay, na ang buhay mo ay mayroong saysay.
Damhin mo ang panibagong pag-asa.
Magdulot ito ng ibayong sigla.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Papa Eran
PoetryEveryone has a story to tell. I may not know yours, but there will always be a poem brave enough to speak for your thoughts. - Mga Tula ni Papa Eran - A compilation of poems in different syles and genres written by yours truly.