Munting Gabi ng Kilig | PAPA ERAN

5 0 0
                                    

Title: Munting Gabi ng Kilig



Nakita kila mula sa pagbaba mo ng sasakyan. 

 Hindi ko namalayang ako'y nahumaling na pala sa iyong kagandahan. 

 At sa iyo ngang pagdaan sa aking tabi, agad naakit sa halimuyak mong sa akin ay naiwan. 

 Nakaupo sa aking likuran ang babaeng hindi na mawala sa aking isipan. 



 Hindi mapakali sa mga oras na iyon na para bang gusto kitang lapitan;

Kausapin ka lang, ako'y pinangungunahan na ng kaba at kahihiyan. 

Baka ako'y hindi mo pansinin, iyan ang laman ng aking pag-aalinlangan. 

Pero sige na, kakausapin kita sa pamamagitan muna ng pagpapatabi sa iyo ng aking kagamitan. 



 Sa oras na kinukuha ko na ang aking mga dala, 

Dama ko ang tingin ng mga kaklase mong hindi makapaniwala. 

Baka maging sila ay namamangha sa aking ginagawa. 

Nag-chat, kaunting usap, nagkasalubong– hala, ang hinhin mo pala.


Pasulyap-sulyap sa'yo 'pagkatapos nating kaumain, 

Na para bang hindi na maalis itong aking mga tingin. 

Gusto kitang muling lapitan, pero ako'y pinanghihinaan pa rin.

Hanggang sumapit na nga ang oras ng sayawan sa indak ng awitin. 


Sa sandaling ikaw ay napuntahan at sinasayaw ko na, 

 Hindi ko maintindihan ang nadaramang tila pag-angat sa lupa.

Sa paghawak mo sa aking mga kamay habang tayo'y nagsasayaw,

 Nakatitig ako sa iyong mga mata, parang ang langit ay biglang naging ikaw. 


Hinila mo ako, nagkuwentuhan na para bang wala nang bukas. 

Sa sandaling ito, tila ikaw na ang aking nagiging pawang lakas. 

Pero sa huli, sumapit na ang ating munting gabi sa kan'yang pagwawakas, 

Kung kaya't niyakap kita nang sobrang higpit na para bang hindi na ulit tayo magtatagpo pa ng landas.


Sa konsepto ni Rian Dela Cruz

Malikhaing paglalahad ni Franz Eran Papa

Mga Tula Ni Papa EranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon