Matakaw ka sa tulog, alam mo 'yon?
Pero mapagmahal ka namang anak.
Hindi ka madalas magsalita ng kung anong gusto mo,
Pero alam mo kung anong ayaw mo.
Soft-hearted ka, madaling mapatawa, magaan kasama–Ah, teka.
Baka nagtataka ka na kung bakit ba kanina pa kita inilalarawan.
Ang sagot...
Kinabisado na kase kita.
Oo, totoo nga.
Kinabisa na kita.
Mula sa una mong gagawin sa umaga.
'Pag gising mo, alam ko 'yung una mong gagawin bago ka pa bumangon.
Sa pagkain, alam kong magluluto ka pa mismo.
Itlog? Suki ka n'yan!
Kinabisado na nga kase kita.
Ang sarap mo kayang pagmasdan!
Hindi ko nga alam kung bakit parang hirap na hirap kang makita 'yung halaga mo,E ako nga kitang-kita ko.
Anong gusto mo palit tayo?
Sabagay, ganoon nga naman siguro.
Mas nakikita ng iba ang liwanag mong dala.
Naks, Meralco ka pala.
Kinabisado na kita–
Kung anong paborito mong pagkain at panawid gutom.
Nako, mahilig ka sa matatamis!
Pero sa kape, gusto mo naman 'yung mapait.
Starbucks, sisig, ilan lang 'yan sa mga trip mo.
Ayaw ko lang isa-isahin baka sabihin mo adik ako.Pero adik nga naman;
Adik sa'yo pero shhh, shy type ako.
Seryoso nga, kinabisa na kita.
Kinabisado na kita para kailanman hindi mo masabing hindi ka kamahal-mahal.
Kinabisa na kita para kahit kailan, alam mong may makakaintindi at makakaunawa sa'yo.'Yung taong may pakialam kahit na sa maliliit na bagay patungkol sa iyo.
Alam ang topak mo, alam ang ligaya, at ang nagpapalambot ng puso mo.
Masyado man siguro itong mababaw,
Pero ang akin lang naman, gusto kitang palaging unawain.
Daig man nila ako sa kung anu-anong mga bagay,
Pero kampante ako na higit sa kaya nilang ibigay,
Ako, alam ko, kinilala kita nang tunay.
Nang hindi lang basta na,
Nang hindi lang para may masabi lang,
Kundi puro, buo, at sigurado.
Kinabisado na kita, mahal ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Papa Eran
PoetryEveryone has a story to tell. I may not know yours, but there will always be a poem brave enough to speak for your thoughts. - Mga Tula ni Papa Eran - A compilation of poems in different syles and genres written by yours truly.