Ngayon Na Lamang Muli | PAPA ERAN (Traditional Poetry)

7 1 0
                                    

Title: Ngayon na Lamang Muli



Kailan ka nga huling umiyak?
Iyong iyak na hindi kailangang pigilan.
Mahapdi, mabigat, nananapak.
Ngayon na lang muli, matapos kang dalawin ng kahinaan.
Madalas kang magtago ng saloobin,
Magkimkim ng iyong mga dalahin.
Dahil mahina ang tingin,
Sa mga kagaya mong nauubos din.




Pero ang tanong ay sino nga bang hindi?
Sa pagpipilit na 'wag kang mapundi,
Mas humahapdi ang nakaukit na mga sugat.
Ngayon, ngayon ka na lamang muli nagpalamon sa bigat.


Paano ay umapaw na ang kaya mong pigilan,
Inanod lahat ng pilit mong tinatakasan.
Pero hindi naman siguro kasalanang damhin ang mga luha, 'di ba?
Dahil kahit mapanakit ito at maalat, tunay naman itong mapagpalaya.

Mga Tula Ni Papa EranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon