Pangako | PAPA ERAN (Traditional Poetry)

3 0 0
                                    

Title: Pangako

I.

Sa aking katuwang na aking pinangakuan,
Pangako sa'yo ang aking katapatan.
Habang buhay palagi mo akong maaasahan.
Magkasama tayo na Diyos ang s'yang Paglilingkuran.

II.

Dinggin mo itong tula na sa'yo ko inaalay.
Damhin mo ang pag-ibig na salita ang s'yang kaagapay,
Ano man ang sa ati'y humadlang,
Pangako na hinding-hindi kita susukuan.

III.

Mundo man ang sa ati'y mang-api.
Tayo pa rin hanggang sa dulo ang magkakampi.
Hindi tayo mag-iiwanan; palagi tayong magtutulungan.

Ipinagbuklod ng Ama nang sa pangako N'yang bayan, tayo pa rin ay magkasamang mananahan.

Mga Tula Ni Papa EranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon