Title: Paglimot sa Nakaraan
_ _ _
Saan?
Kailan?
Anong patutunguhan?
Nitong aking isipan,
Na hindi alam ang hangganan,
O kahit anong kaparaanan,
Kung paano ka makakalimutan.Tinuruan mo akong magmahal,
Pero ang iyong nakalimutan,
Ay kung paano ko pakakawalan,
Ang sariling kong nagapos,
Sa mga pangako mong natapos,
Hindi ako pulubi pero nais kong mamalimos
Ng katatagan at dahilan kung bakit ako 'yung palaging nauubos?
Matapos mo akong iwan, saktan, at hindi ipaglaban,
Dapat ba ako pa rin 'yung nahihirapan?Traydor ang mga alaala,
Pilit akong inaabala,
Na parang mga bala
Tumatagos sa aking mahinang kaluluwa.Kaya sa pamamagitan ng apat na salita,
Pipilitin kong makawala,
Bago matapos itong tula,
Nawa ako ay maging malaya."Hindi na kita mahal"
Ang apat na katagang,
Paulit-ulit kong isasambit,
Hanggang paniwalaan ng puso kong ikaw lamang ang binabanggit.
Paulit-ulit kong isisigaw,
Na kunyare hindi na ikaw
Ang aking minamahal.Hindi na kita mahal.
Sapagkat gusto ko nang limutin ang nakaraan,
Nais ko nang harapin ang kinabukasan,
Na may panibagong dahilan.
Tatatagan, pagsusumikapan
Aking ipagpipilitan na mapagtagumpayan,
Na ikaw ay aking makalimutan
Dahil isa ka na lamang bahagi ng aking nakaraan.Hindi na kita mahal.
Kahit mahirap makipaglaban sa aking nararamdaman,
Gagawin ko pa ring pigilan
Para hindi na ako maging bilanggo,
Ng puso kong durog at bugbog,
Sa mga bubog ng kahapon
Na parang bombang sumasabog.Apat na beses na lang,
Magagawa ko na.Isa: Hindi na kita mahal.
Dalawa: Hindi na kita mahal.
Tatlo: Hindi na kita mahal.
Apat: Hindi na kita mahal... pa rin kita.
_ _ _
Author's Note: Please listen to the recorded version of this Spoken Poetry on Spotify.
Spotify Name: Papa Talks
(Search under Podcasts and Shows)Link:
https://open.spotify.com/episode/74eFwkYxuLafg3gi8KZq86?si=PYaw3NbvSSm20wWh6jb1JQ&utm_source=copy-link
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Papa Eran
PuisiEveryone has a story to tell. I may not know yours, but there will always be a poem brave enough to speak for your thoughts. - Mga Tula ni Papa Eran - A compilation of poems in different syles and genres written by yours truly.