Title: Ginising Ako ng Buwan
. . .
Ginising ako ng buwan,
Nagtataka ako at naguguluhan,
Kung para saan,
Itong mga luha na sinasalo ng aking unan.Bumangon ako sandali,
At sinipat ang bintana sa aking tabi,
Malalim pa rin ang gabi.
Ngunit imbis na ngiti,
Luha ang dumampi sa aking mga labi.Nag-uunahang pumatak sa magkabilang mata,
Naninikip ang dibdib at hindi makahinga.
Gustuhin ko mang bumalik sa pagpapahinga,
Magmu-muk'a lamang akong tanga.Ginising ako ng buwan,
Sapagkat may nais s'yang patunayan.
Kasama ang butuin sa kalangitan,
Sila ang saksi sa aking pinagdaraanan.Alam mo ang lagi kong kinu-k'westyon,
Ay kung bakit laging magkatunggali ang tao at panahon?
Tamang tao, maling panahon;
Tamang panahon, maling tao.
Kailan ba magtutugma ang ating k'wento?
Para s'yang Enero at ako 'yung huling buwan,
Nais ko s'yang hagkan,
Pero katumbas noon ay ang aking kamatayan.Kanino pa ba ako manlalambing?
Para lamang matupad itong aking hiling,
Na s'ya ay muli kong makapiling.Dahil ngayon ko lang naranasan,
Na pahalagahan,
Ingatan,
At sumaya ng lubusan.
Pero bakit napakadaya ng mundo?
Bakit kung kailan handa na ako,
Tsaka magiging mali ang panahon-
Mali ka!
Mali ka.
Maling-mali ka...Tama kami, maramot ka lang.
Gusto kong isigaw sa buwan,
Sabihin sa buong kalawakan,Na wala kayong karapatan,
Na gisingin ako mula sa aking higaan,
Para lamang inyong saktan.
Ginising ako ng buwan
Para lamang sabihin,
Na ang taong nais kong ibigin,
Ay wala na sa akin.
Ginising ako ng buwan,
Para ipangalandakan,
Na hindi mananalo ang pagmamahalan,
Kung maling panahon ang kan'yang kalaban.Matapos mo akong gisingin,
Paasahin, lituhin, at paikutin,
May nais lang akong linawin.
Kung ibinigay mo s'ya sa akin,
Bakit kailangan mo ring bawiin?Tama na!
Tama na.
Tama na sana...
Hindi mo lang pinagbigyan.Kaya patawad na lang, buwan;
Hindi ko pa s'ya kayang bitawan.
Dahil nais ko pang asahan,
Na baka sa 'pag lubog mo naman,
Umayon ang araw sa aming pag-iibigan.Pero kung ang kan'yang pagdating,
Ay sa panaginip na lamang maihahambing,
'Wag ka ring mag-alala...
Matutulog ako nang mahimbing.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Papa Eran
PuisiEveryone has a story to tell. I may not know yours, but there will always be a poem brave enough to speak for your thoughts. - Mga Tula ni Papa Eran - A compilation of poems in different syles and genres written by yours truly.