Kabalikat Kang Nagtalaga

3 0 0
                                    

Maagang namulat, nagbihis at tumungo,
Lubos na pagtatalaga ang s'yang nakita sa iyo.
Sa puting barong na may burda nahubog kang tumupad,
Ngayon ma'y nakagayak ngunit hindi sa kapilya ang padpad.

Kabalikat kang nagtalaga sa tungkulin at pagsamba,
Haligi ng tahanan; lakas ng iyong sambahayan.
Paglao'y hindi rin pala kasalanang aminin ang kahinaan,
Ng sinomang kailangang mamaalam sa pagitan ng buhay at kamatayan.

Bitbit ng naiwan ang sakit ng pangungulila,
Habang kaypalad mo namang nauna nang mawala.
Dahil yarìng pagpapahingalay ay katumbas ng paghihintay;
Paghihintay sa pangakong sa nagtiis lamang ibibigay.

Malaki na si totoy na brusko at siga,
Ngayo'y oras nang magpahinga nang payapa sa paghiga.
Walang hanging  hahabulin o dugong kailangang linisin–
Sapagkat tapos na ang tiisin ng katawang napapagal na rin.

Mga Tula Ni Papa EranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon