16thIlang minuto pa yata akong ngumawa sa harap ni Tristan bago kusang napagod ang mata ko sa paglabas ng mga luha. Nakakaloka at nakakahiya! At hindi lang pala luha, umeksena din ang ilong ko sa pagtulo ng uhog. At panigurado, parang na namang namagang pigsa ang itsura ng buong mukha ko ngayon dahil sa kakangalngal.
Ang chaka-chaka ko na tuloy, nakakahiya! Bakit kasi naiyak? Pwede namang makonsensya ng hindi naiyak? Bakit ganito, hindi naman ako iyakin. Pwede bang masaktan nalang, manginginig konti, tapos medyo hindi makakahinga, gano'n? Bakit iiyak pa!? Ugh!
Hindi ko tuloy alam kung paano haharapin si Tristan ngayon. Bukod sa alam kong chararat ang mukha ko, sobrang kinakain din talaga ako ng kunsensya ko. Hays.
Tristan started driving again. He opened the car's window and played some music, too. It calmed me a bit. Tahimik lang kami for few minutes pero bigla s'yang nagsalita ulit.
"How was your day?"
Kahit medyo hindi pa rin ako okay ay nagsimula akong magkuwento sa kan'ya. Natawa s'ya sa kagagahan na nangyari sa amin ni Veron sa jeep kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko na ang mga tawa n'ya.
"He's your classmate?" gulat na gulat s'ya. As expected.
"I know right? Small world! At akala n'ya, crush ko s'ya dahil sa nangyari sa jeep. But I told him na I have a jowa na at dumi mo lang s'ya sa kuko. Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino."
He laughed again, but this time, his cheeks turn red. I just love it when he blush. Super cute n'ya na guwapo, alam n'yo 'yon?
"Then I told him what really happened, he believed naman, tapos ayon kinukuha na n'ya 'yung number ni Veron sa akin. Can you believe him!?"
He smiled. "As long as he's not hitting on you, we're good."
This time ay ako naman ang namula! Nagbabagang uling na naman ang gaga, kilig na kilig!
"Ikaw talaga, para kang bulkan!" pabebe kong sabi.
Kumunot ang noo n'ya at napatingin pa sa view ng Bulkang Taal sa labas bago sumagot sa akin. "Bakit?"
"Kasi I lava you." humagikhik ako at tumawa naman s'ya.
We had an early dinner sa isang Hotel malapit sa boundary ng Batangas at Tagaytay. The view was amazing. I will never get tired of looking at Taal. Tapos samahan pa ng magandang view ng poging mukha ng aking jowa! Bet na bet!
Hinatid din agad ako ni Tristan pauwi after our dinner. Ayoko pa ngang humiwalay sa kan'ya kaya lungkot na lungkot ako.
"Miss na kita agad kahit nandito ka pa rin sa tabi ko." I pouted.
He leaned and kissed my cheeks. Nagulat ako doon kaya humarap ako sa kan'ya with my sweetest smile. He also smiled at me and then he reached out for the flowers sa backseat ng car n'ya at inabot sa akin iyon.
"Thank you so much! Feeling Mama Mary naman ako nito, inaalayan mo ako lagi ng bulaklak." sabi ko na tinawanan n'ya.
"Nga pala, I, uhm, heard your mom telling you that she won't buy you a new laptop?"
Napanguso ako ng malala. Naalala ko na naman ang ilang beses na pagtanggi sa akin ni mommy. Nakakabwiset! Parang laptop lang kasi. Need ko naman for school! Ang damot-damot na talaga sa'kin ni Mommy ngayon.
"If you want, I have a spare one." nahihiyang sabi nito.
Nagningning naman ang mga mata ko at napayakap pa ako sa kan'ya sa sobrang tuwa. "Thank you!"
BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...