27th

2.6K 52 49
                                        

27th

Hindi na talaga nagpaawat sa pag-ariba ang mga luha ko kaya bigla na rin akong napahikbi. Dahil doon ay nakita ko sag ilid ng mga mata ko ang paglingon ni Tristan sa akin.

"Hey?" gulat nitong sabi. Kumuha ito ng tissue at agad nitong inabot sa akin.

"Thanks. Sorry." sabi ko na natatawa na. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at sininga ang mga sipon ko. Iyak-tawa si bakla, nababaliw na! Sino ba namang hindi mababaliw? Ilang araw akong walang tulog, walang maayos na kain, tapos nagkaroon pa ako ng sakit, tapos ang ending 'yon pa pala ang magiging dahilan para makasama ko ulit si Tristan? Ang tindi, diba?

"Is... is the pain too much?" nag-aalala nitong tanong. Tumango nalang ako. The pain is too much but the happiness I'm feeling right now is overflowing, Trist.

Bumilis lalo ang takbo n'ya. Malapit lang naman ang Ospital kaya ilang minuto lang ay nakarating na rin kami. Nakalma ko na rin ang sarili ko at tumigil na ako sa pag-iyak.

"I really really appreciate this, Trist, thank you so much." sinserong sabi ko. Tumango lang s'ya sa akin at tipid na ngumiti. Sinusuri n'ya ang mukha ko at bago pa n'ya makitang naghuhugis puso ang mata ko sa tuwing kasama ko s'ya ay bumaba na nga ako.

Kahit mabigat sa dibdib ko na umalis sa kotse ni Tristan ay ginawa ko dahil kailangan ko munang intindihin ang sakit ko dahil baka lumala pa iyon. Nagtungo ako agad sa loob ng Ospital at agad naman akong in-assist ng mga staff doon para sa mga kailangan ko. Matapos ang halos isang oras ay natapos ako.

Habang palabas ako ng hospital ay nag-check ako ng phone. Nakita kong maraming missed calls at chats si Veron sa akin. Si Daisy, naka-isang tawag lang tapos ay may mga iniwang mensahe. Si Ahlia, may mga chats. Natuwa ako sa pag-aalalang nakita sa kanila.

Dahil si Veron ang mukhang aatakihin sa pag-aalala ay s'ya ang una kong tinawagan. Nasa labas na ako ng Ospital at tumayo muna ako sa gilid doon.

"Hel–"

"Gago ka! Ano, buhay ka pa!?"

Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng irit ng bruha. "Hindi, multo na ako! Punyeta ka!" sigaw ko sa kan'ya pabalik.

"Ayan, alak pa! Malandi ka kasi! Ano na sabi ng doktor? Anong nangyari?"

"Baka UTI, pero malalaman sa lab results bukas, babalik pa ako. Ang sakit pala nito!" kuwento ko naman.

"Oo, masakit nga sa pempem 'yan." Si Veron.

"Sobra! Kaya sabi ko kay Doktora bigyan agad ako ng pain reliever para maalis ang sakit ng kiki ko. Nakakaloka alam mo ba kung saan tinurok!?"

"Saan?!" narinig ko ang excitement sa boses ni Veron. Natatawa ako dahil kanina ko pa inaantay na ikuwento ito sa kan'ya.

"Sa puwet!" Nagtawanan kaming dalawa. "Gagiiii, nakakahiya! Pero ang mas nakakaloka, no'ng sinabi sa akin na sa puwet, ang sagot ko sa Nurse, 'Hala, ate, virgin pa 'ko!'." Tumawa ulit kami.

"Tanga ka! Bakit? Akala mo ba sa butas ituturok?"

Sunud-sunod ang tango ko. "Oo, gaga! Nakakahiya talaga! Tapos 'yung nurse natawa, sabi n'ya, 'Sa pisngi lang naman, Miss!'. Oh my gosh!!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Aug 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter Sugar DaddyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon