2ndPaglabas namin ng restaurant, namataan ko si Veron na naglalakad at lilinga-linga, mukhang hinahanap ako. Nakasuot na s'ya ngayon ng swimwear n'ya, isang white swim-shorts at yellow tank top. Medyo basa na rin, halatang nakapagbabad na.
"Nawawala yata si nene." sabi ni Jake habang nakatingin kay Veron. Tinakpan ko ang bibig ko para magpigil ng tawa. Nagtago pa ako sa likod ni Jake at Tristan para lalo n'ya akong hindi makita.
Nene daw! Gagi 'tong Jake na 'to! Tawang-tawa ako, hayop! Pero sabagay, mukha naman kasi talagang bata si Veron. Parang elementary student na nabasa ng ulan.
Maglalakad na sana si Veron pabalik nang magsalita si Jake.
"Ineng! You need help?"
Kunot-noong tiningala ni Veron si Jake. Galit ang mukha nito, parang batang inagawan ng candy.
"Hala, nagalit yata?" nahihiyang bulong ni Jake. Ngayon ay hindi ko na napigilan ang tawa ko. Dahil doon ay napansin na ako ni Veron.
"Punyeta ka! Nand'yan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!" inis na sabi nito habang sumisimpleng irap kay Jake.
"Ay, kakilala mo pala." sabi ni Jake sa akin na tinanguan ko naman.
"Oo. Sige, una na ako. Nice meeting you, guys."
Kumapit ako kay Veron. Kumaway pa ako sa kanila at nag-last glance sa future bebe kong si Tristan bago tumulak paalis.
"Sino ba 'yong gurang na 'yon? Pasmado ang bunganga! Ineng daw, punyemas s'ya!" inis na litanya nito nang nakalayo na kami.
"New friends ko, 'te. Huwag ka nang ma-highblood, pretty ka parin nene!" sabi ko na natatawa.
"Gago! New frieeeends? Baka new victim!?" tinaasan ako nito ng kilay. "Bet mo 'yung isa 'no!?" pinanliitan ako nito ng mata.
"Eh, eng pogi n'ye keye!" sabi ko sabay hawi pa ng buhok ko sa tainga.
Humagikhik s'ya. "Sabagay, sobrang pogi nga, 'di kita masisisi! Kaso nga lang medyo mukhang gurang na."
Napahawak ako sa dibdib dahil sa sinabi n'ya. "Maka-gurang ka naman!" irap ko. "Anyway, totoo namang mas matanda sila sa atin, but, duuuh, age doesn't matter because time is gold!" humagikhik ako.
"Wow, bagong kasabihan ba 'yon?" sarkastikong sabi nito.
"Huwag ka nang kumontra d'yan bubwit ka, dahil s'ya lang naman ang owner ng resort na 'to! Oh, diba!? Bongga talaga s'ya, Veron! Ta's tignan mo 'tong suot ko!" tuwang-tuwa kong inirampa ang damit sa harap n'ya.
"Gi-ven-chay? Mahal ba 'yan? Sa SM nabili?" naguguluhang tanong n'ya.
Napairap sabay iling nalang ako. "Anong gibenchay!? Lakas maka pechay! Zhu-van-shee ang basa dito!"
"Ang layo naman ng spelling sa pronunciation, mukhang tanga!" kunot-noo pa ang bruha, tila naiirita.
"Pangmayaman kasi kaya gano'n! Mahal 'to, Veron, mahal pa 'to sa buhay natin! At walang anu-ano n'yang pinahiram sa'kin para lang hindi ako lamigin kasi concern s'ya dahil mahal na n'ya ako! OMG!" at nangisay na nga ako sa kilig.
"Wow! Nadaan sa inipit na pantal!"
Natawa ako at hinila ang buhok n'ya. "Kung makalait ka naman sa boobs ko, eh 'yung sa'yo nga mukhang munggong walang dilig!"
Hinila din n'ya ang buhok ko. "Punyeta ka! Pero, wait, paano mo naman sila nakilala?"
"Kasi natamaan nila ako ng bola sa likod kanina. Tapos ayun, tinamaan na rin ako sa kan'ya. Tristan ang name n'ya, Ron, he's 24 na, pero okay lang naman diba?!" nag-puppy eyes pa ako sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...