24th
Alam mo 'yung feeling na bagsak daw ang grade mo pero sabi ng teacher ay may special project ka lang na gagawin tapos ay pasang-awa ka na? 'Yung pakiramdam ni Pia Wurtzbach noong inanunsyo na si Miss Columbia daw ang Miss Universe tapos ay mali lang pala nang basa ang host, s'ya pala talaga ang nanalo?
Gan'yang-gan'yan ako ngayon. 'Yung tipong nagkaroon ako ulit ng pag-asa sa buhay. Na parang kapag tinanong ako kung para kanino ako bumabangon ang isasagot ko, "Kay Tristan po."
Char! Seriously, alam ko naman na mali ito! Mali na nasisiyahan akong broken family sina Tristan at si Theo ay malayo sa mommy n'ya. And I do feel sad for them, I really do. But damn, I really feel happy for myself because now that I found out he's a single dad, I might have a chance with him again. Tutal may boyfriend na rin naman daw na iba si Kate, diba? Then, Tristan deserves to be happy too. I might make him happy again, you know?
Pero, hays, ano nga ba ang eksena ko sa buhay? As if naman na gugustuhin pa talaga ako ulit ni Tristan? Asa pa 'ko diba!?
Hay, ewan! Nakakainis naman kasi eh! Bakit kasi hindi nalang ako mag-move on at maghanap ng iba!? Pa-epal din kasi itong pusong 'to, titibok-tibok pa ulit kay Tristan! Hirap tuloy, hays. Hindi naman ako papansinin nu'n eh... baka nga galit pa sa'kin 'yun eh...
"Hanap n'yo nga 'kong jowa, bilis."
Tinignan ako ni Daisy na parang nandidiri s'ya sa akin. Si Veron naman ay tila napaisip. Narito kami ngayon sa restaurant namin at katatapos lang maghapunan.
It's been three days since I found out about Tristan's status at wala pa rin akong ginagawa kahit halos mabaliw na ako kakaisip sa kan'ya. Why am I not doing anything? Hindi ko alam, naguguluhan ako. Naka move on na kasi ako eh bakit ganito na naman ulit? Feeling ko pa, wala naman na talaga akong pag-asa sa kan'ya! I should really just move on. Kaya iyon ang sinubukan kong gawin kahit napakahirap at nakakabuang. Because the more I try not to think of him, the more I am thinking of him! Parang tanga lang!
"Si Timothy." natatamad na sagot ni Daisy.
"Pwera kay Timothy." mabilis kong sabi kaya inirapan ako nito.
"Wala akong kilala now. Download ka nalang ulit ng Tinder, marami parokyano du'n, may mga afam pa." si Veron.
"Hay nako, puro naman chubachuba lang hanap sa ganu'n eh." nagbuntong hininga ako.
Naalala ko tuloy nu'ng nagsubok ako ng mga online dating application na 'yan, may nag chat sa akin na wala nang hi or hello, nagsend agad ng picture ng birdie n'ya! Hindi manlang ako na-brief, nagtanggal agad si kuya ng brief! 'Nyeta!
"Judgemental mo naman, sis, 'di naman lahat. Mga 95% lang 'yung manyak, may 5% pa namang matino." natawa pa ang bruha.
"'Nyeta, 5%? Baka napudpod na 'yung daliri ko at nilumot na 'yung keps ko, hindi pa rin ako makatagpo sa sobrang konti?" muli akong nagbuntong hininga sabay patong ng ulo ko sa lamesa.
Paano ba kita kakalimutan ulit, Tristan? Paano??? Ugh!
"Bakit ba? Anong problema mo na naman?"
Umangat ako sa mula pagkaubob at tumingin kay Daisy. "Gusto ko na mag-jowa, gusto ko na kiligin ulit! I feel so bored and lonely with my life!" inarte ko.
Umirap si Daisy. "Letse, manuod ka ng Kdrama! Hindi 'yung konting loneliness lang, lalaki agad hinahanap mo. Kayo ni Veron, parang hindi mabubuhay ng walang lalaki." umiiling-iling pa ito.
Pareho kaming napahawak sa dibdib ni Veron, tila nasaktan sa sinabi n'ya. "Ang sama talaga ng ugali mo, palibhasa, may solid na jowa ka na kasi kaya hindi mo alam ang feeling ng single." sabi ni Veron.

BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...