6thPagsakay ko sa kotse ay nakumpirma ko ngang kasama namin ang babaeng nakita kong ka-date ni Tristan 2 days ago sa Serin. Syempre, nasa shotgun s'ya sa tabi ni Tristan. Kami ni Seth ay sa likod lamang, parang mga saling pusa sa kanilang dalawa.
She looked beautiful in her yellow dress and light make up. Maputi s'ya tulad ni Ahlia at hanggang balikat ang maiksi at kulay light brown n'yang buhok.
"Mariel, si Quin. Quin, si Mariel." nakangiting pakilala sa amin ni Seth.
Kinamayan namin ang isa't isa. Tipid ang ngiti ni Mariel kaya naman tipid din ang ngiti ko sa kan'ya.
"It's nice to finally meet you. Hindi tayo nagpapang-abot sa resort eh but, Seth here always tells me stories about you."
"Nice to meet you, too." tipid kong sagot at pasimpleng sinulyapan si Tristan pero seryoso lang itong nagmamaneho. Ni hindi manlang ako binati porque nandito ang nililigawan n'ya. Tss!
"Are you sure na okay lang? Pwede tayong bumukod sa kanila pagdating do'n?" biglang bulong sa akin ni Seth.
Nilingon ko s'ya at tinawanan. "Bakit? Gusto mo 'kong solohin?" biro ko.
Seth scratched the back of his head na tila nahihiya. "Baka kasi naiilang kang may kasama?" nahihiya n'yang tanong.
"Sus, ikaw yata ang nahihiya sa amin eh." biglang singit ni Mariel. "Ayaw mo yatang makita namin ni Trist kung pa'no ka manligaw!" sabay tawa n'ya. Natatawang naiiling naman si Seth.
"Hindi naman n'ya ako nililigawan." pagtatama ko pero nakangiti.
"Ay, mahina pala 'tong bata n'yo!" sabi ulit ni Mariel sabay tapik sa braso ni Tristan na para bang humihingi ng opinyon nito.
Si Tristan ay naiiling lang at nakangiti ng kaunti. "Huwag mo nga silang pagtripan." sabi nito.
"Si Tristan ang kulitin mo. Huwag mo kaming guluhin." biro ni Seth na nagpanguso kay Mariel.
Halatang close na talaga s'ya sa kanila. Matagal na siguro s'yang nililigawan ni Tristan? Wow, sarap umuwi. Uwian na. May nanalo na.
"Hmp. Parang hindi mo naman kilala ang isang 'to tuwing nagmamaneho ayaw ng istorbo." pabebeng sabi nito sabay patampong sulyap kay Tristan.
"Oo nga pala." sabay tawa ni Seth.
Bahagyang kumunot ang noo ko doon. Gano'n ba si Tristan? Bakit dati nu'ng nagpunta kami ng SM, noong pauwi na kami at bumalik na ang kadaldalan ko, sagot naman s'ya ng sagot sa akin. Tawa pa nga s'ya ng tawa sa mga kinukwento ko eh. Umabot pa sa point na nasa bahay na kami, pero hindi pa tapos ang kwento ko kaya naman nanatili kami saglit sa loob ng sasakyan n'ya. Lakas ko maka-jowa no'n, kahit ang totoo, little sister lang naman talaga, 'nyeta!
Pasimple kong sinipat si Tristan at nahuli ko itong nakatingin sa akin gamit ang salamin sa harap n'ya. Mabilis n'yang binalik ang mata n'ya sa daan nang makitang tumingin ako.
LUH!? Bakit n'ya 'ko tinitignan?
Kumalabog bigla ang assumera kong puso. Kinikilig na naman ang atay at balumbalunan ko! Paasa naman 'to! Tingin ka pa, panagutan mo 'ko!
Nagpatuloy sa pagkkuwentuhan si Seth at Mariel. Minsan nakikisali ako at nakikitawa sa kanila. Si Tristan ay tahimik lang.
Maya-maya pa ay napadaan ang sasakyan namin sa Mcdo. Bigla kong naalala na hindi pa nga pala ako nag-aalmusal. Nakaramdam ako ng gutom at pagtatakam kaya naman sinundan ko ng tingin ang store hanggang sa makalampas kami. Kinagat ko ang labi ko at tiniis nalang ang gutom.
BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...