1stNaniniwala ako sa kasabihang "Ang maglandi ay 'di biro", pati na rin sa "Kung may tiyaga... may jowa", pero ang pinaka paborito ko sa lahat ay "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi nakita ang poging dumaan". Kaya naman palaging ready ang mata at leeg ko sa tuwing nasa mall ako dahil maraming cutiepatootie dito, kaso ang hirap mag-sight seeing kung may kaibigan kang walang tigil ang bibig.
"...tapos Lexus daw ang name n'ya. Diba, pangalan palang pogi na?! Mahal ko na agad s'ya, Arah!" Hinampas pa ako nang makireng si Veron tapos ay nangisay na ito sa kilig.
Nandito kami ngayon sa National Book Store sa SM Dasma. Namimili kami ng school supplies para sa nalalapit na pasukan next month. Pero hindi kami matapos-tapos dahil ang daming kuwento ni Veron! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao kasi mukhang s'yang sinapian. Tapos ang lakas pa ng boses n'ya, parang taratitat na chismosa sa kanto.
Pero, haaay, buti pa itong bestfriend ko, nakakalandi pa rin kahit bakasyon. Ako, nganga. May mga ka-text at ka-chat ako pero hindi ko naman masyadong bet. Minsan nagpupunta ako sa restaurant namin pero hindi naman ako makaporma sa mga cute na guests do'n dahil nandu'n lagi si daddy, baka sinturunin pa 'ko no'n sa harap nila, nakakahiya!
"Ta's nu'ng paalis na s'ya, hiningi n'ya 'yung number ko." pagpapatuloy ng burikit kong kaibigan. "Tapos sinali pa ako sa clan nila, 'te! May pa-outing nga next week, eh, tapos sabi n'ya sama daw ako! Syempre, oo ako agad! Wala nang patumpik-tumpik pa! Sama din ikaw ah? Aayain ko rin sina Ahlia at Daisy. OMG! I'm so excited!" Hinakawan nito ang braso ko at niyugyog. Napailing nalang ako habang natatawa.
Hilig talaga nito ni Veron sumali sa mga clan! Puro clan-dian lang naman!
"Ano? Sama ka ah? Oo na agad! Ihahanap kita ng crush du'n!"
"Oo na, hay'p ka!" sabay tawa ko kasi nangisay na naman s'ya sa kilig. Napatili pa kaya nilapitan tuloy kami ng guard at nagtanong kung may problema daw ba.
"Nakakatakot naman si kuya, gusto pa yata ako hampasin ng batuta n'ya!" nakangiwing sabi ni Veron nang nakapila na kami sa cashier. Natatawa nalang ako sa kagagahan n'ya.
Pinayagan naman ako ni mommy sa outing na sinasabi ni Veron. Kaso sina Daisy at Ahlia hindi parin nakasama. Si Daisy kasi nasa Pampanga parin, nakabakasyon doon. Si Ahlia naman bantay-bata sa kapatid n'ya lagi.
Alas syete ng umaga ay nasa bahay na agad si Veron para sunduin ako. Naka dilaw na sunday dress ito na sobrang cute tignan sa kan'ya. Ako naman ay naka maiksing swim shorts at kulay pink na sando. Sa loob ay ang puti kong bikini para mamaya, isang hubaran nalang.
Sa isang bagong resort sa Indang magaganap ang outing. Nag-jeep nalang kami ni Veron. Mga nasa 30 minutes ang byahe kaya nagchikahan nalang muna kami.
"Magpanggap kaya akong nalulunod para sagipin n'ya 'ko?" bulong nito sa akin kaya natawa kaming dalawa.
"Tapos ima-mouth to mouth ka n'ya, 'te. Mamasa-masa at nanginginig-nginig pa." suporta ko naman sa kalandian nito. Lalo tuloy lumakas ang tawanan namin at napapatingin ang mga pasahero kaya nanahimik nalang kami ulit kasi baka pababain na kami sa sobrang ingay naming dalawa, kaloka, baka mag-alay lakad kami bigla.
After ng byahe sa jeep ay nag-tricycle naman kami. Pagdating sa resort ay nagbayad kami ng entrance at agad kaming pinapasok. Medyo bungad lang naman ang cottage na kinuha ng mga ka-clan ni Veron kaya agad namin silang nakita. Pero nagulat ako nang makalapit na kami.
"Luh, gagi." bulong ko nang makita ang nakasulat sa nakasabit na banner sa cottage.
Youth Of Jesus Clan

BINABASA MO ANG
Bitter Sugar Daddy
HumorAmbitious 17 year-old Arah is determined to make 24 year-old Tristan his Sugar Daddy. He is kind, handsome, and very rich; everything Arah is looking for in a man. She succeeded at first... but ended up hurting him. Five years later, 23 year-old Ara...