19th

981 21 14
                                    

19th

Pinuwersa ko pang iharap sa akin si Tristan para mapatunayan kong hindi nga ako nagkakamali. Nang makita ko ang galit nitong mukha ay halos maihi ako sa salawal sa sobrang gulat at kaba.

"Sino ka ba, 'tol? Bakit ka nakikialam?" Ang makapal na mukhang Jed ay may lakas ng loob pa talagang magsalita. Napatingin kami ni Tristan sa kan'ya.

"I'm the boyfriend. Ikaw, sino ka?"

Ngumisi si Jed. Sarcastic at mapang-asar. Tinaas pa nito ang dalawang kamay n'ya na tila senyales na sumusuko na s'ya. Tapos ay pumihit  ito patalikod at umalis na.

Naiwan kami ni Tristan. Muli n'ya akong binalingan. "Are you okay?" walang emosyong tanong nito. Tumango naman ako.

"Do you want to go home?"

Tumango ako ulit pero agad din akong napailing. "I, uhm, need to tell my friends first. Uhm–"

"It's okay. Call me and I'll meet you outside." malamig n'yang sabi.

Tumango ako at tinalikuran na s'ya. Mabilis akong nagmartsa pabalik sa kung nasaan ang mga kaibigan ko at nadatnan ko ang mga itong todo chika pa rin sa mga taong pinag-iwanan ko sa kanila kanina.

"Nahihilo na 'ko, Daisy, uuwi na ako."

Tiningala ako ni Daisy. Saglit akong kinilatis bago tumayo. "Lasing ka 'no?" inamoy ako nito.

"Nalasing nga yata ako. Sumama pati ang pakiramdam ko." sinapo ko ang ulo ko. Biglang lumapit si Veron at Ahlia sa amin.

"Okay ka lang, Rah?"

Tinanguan ko si Ahlia. "Yes and no. I wanna go home."

"Tara, ako din, eh." biglang sabi ni Ahlia. Kumapit ito sa akin.

"Okay, tara na. Veron, tama na landi." baling ni Daisy kay Veron. Ngumuso ito.

"Una nalang kayo." malungkot na sabi nito. "Please?"

Umirap si Daisy sa kawalan. "Tingin mo, iiwan kita dito? Halika na!"

Walang nagawa ang kawawang Veron. Wala din akong nagawa kun'di sumabay sa kanila. Ang pakikipagkitang ipinangako ko kay Tristan ay hindi na naman natupad.

Pagbaba ko ng terminal ay agad ko s'yang tinawagan. After three rings ay agad itong sumagot.

"Trist–"

"I know, Quin." narinig ko ang buntong hininga n'ya.

"Pwede pa rin tayong magkita... kung gusto mo pa? Nandito pa ako sa Olivarez." pagbabakasakali ko.

"Go inside McDonald's and wait for me there."

Mabilis nitong pinatay ang tawag. Sinunod ko naman s'ya. Hilong-hilong umupo ako doon at umubob. Sa kalasingan ay nagising nalang ako sa mahinang yugyog ni Tristan.

We went to his car right away. We sat there in the parking lot for a while na walang nagsasalita sa amin bago n'ya pinatakbo ang kotse n'ya.

He took us to a road side that has an overlooking view of the street lights below Tagaytay. He opened his car's windows. Fresh air started calming my senses.

"Sorry, Tristan, kung nagsinungaling ako." I looked at him with a puppy eyes. He was just staring at me blankly with no emotions at all.

"Sorry talaga. Huwag kang magagalit sa akin, please?" nangilid ang luha ko. He reached out for my cheeks and gently wiped my tears away.

"I understand. It's okay. I'll be patient. Just... don't lie to me again. Hindi naman kita pipigilan if you want to have fun with your friends. I would never do that to you. I always want you happy."

Bitter Sugar DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon